Chapter Nine

39 34 1
                                    


Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko at nagbabasa,isang linggo na din ang nakalipas simula nung mamatay si mang Ruffo.

Isang linggo ko na din siyang hindi nakikita.

Ngayon din ata babalik si Dennise galing manila.Tumayo na ako at magluluto,dahil wala si Dennise ay nagsumikap akong magluto kahit hindi ako marunong.

Buti nalang at paminsan minsan ay pumupunta si Lahorra dito,kahit papaano ay may nakakausap ako.Nagsaing na muna ako at pumuntang living room.

"Binibini" Tawag ni Lahorra.

Lumapit naman ako sa pinto at binuksan yon."Pasok ka"
Nakangiti kong sabi.

"Salamat binibini, may nais nga palang magpabigay sayo nito"
Nagulat naman ako dahil sa hawak niyang isang puting bulaklak.

Mga tatlong piraso ito at may ribbon,at may nakadikit na letter dito.Binasa ko naman kung anong nakasulat.

Ang iyong ngiti ang nagbibigay sigla sa masakit na nararamdaman ko.

-M

Manuel?ang assuming ko naman.

"Kanino daw galing?"

"Patawad binibini ngunit bawal sabihin" Napakunot naman ang noo ko.

Baka kay Baldo ito galing ah!
Hahahaha.

"Aish,sige na nga.Oonga pala dito ka na kumain para naman may kasabay ako" Tumanggi pa siya nung una pero napilit ko din.

Nasa gitna kami nang pagkain ng biglang may sunod sunod na malalakas na katok kaming narinig.

Tatayo na sana ako para buksan ngunit...."Ako na binibini"
Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.

Hindi ko naman nakita kung sino yun."Binibini!!nasusunog daw po ang bahay na ginawa ni ginoong Manuel sa gubat"Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Yung tree house na ginawa niya ng anim na buwan?!

Agad akong napatakbo sa kanila,don ko lang din nalaman na si Jacob pala ang kausap ni Lahorra.

Agad kaming pumunta sa gubat para tingnan ang nangyari.
Nang makarating kami ay kitang kita ko si Manuel na nakatingin lang sa tree house niyang ginawa,habang unti unting naaabo.

What the heck is happening?
Sino ang may gawa nito?

Our chaotic loveWhere stories live. Discover now