Chapter Thirteen

36 32 1
                                    

Nandito kami ngayon sa tree house na ginawa niya,medyo malapit dito yung dagat.Kaya naman maririnig mo ang bawat hampas nang alon.

"Magksintahan na po ba kayo binibini?" Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Jacob,nandito din sila Lahorra at Matteo.

Nakakainis kanina pa nila kami inaasar.

"H-hindi--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumagot si Manuel.

"Hindi pa" Napatingin naman ako sa sinabi niya,ano ba!bakit ako natutuwa.

"Bakit hindi pa?ang tagal naman" Gatong ni Matteo.

"Oonga Binibini, sagutin mo na si ginoong Manuel" Lalo akong nahiya sa sinabi ni Lahorra.

"Eh bakit ikaw hindi mo pa sagutin si ginoong Jacob?"
Nagulat naman siya sa tanong ko,hahaha.Nagkatinginan naman si Manuel at Matteo.

At tumingin nang masama kay Jacob,yari kang bata ka.

Natawa tuloy ako,tinatanong ni Jacob sakin kung anong paboritong pagkain at bulaklak ni Lahorra. At dahil hindi ko alam,nag-imbento nalang ako.

Hahaha,atleast may sagot ako sa tanong niya diba?

"Nililigawan mo si binibining Lahorra?" Seryosong tanong ni Manuel, mukhang siya yung panganay.

"Naku Manuel,wag mo nga siyang tanungin na parang nananakot.Parang hindi ka naman dati nanligaw nun kay----" Tiningnan siya ng masama ni Manuel na ikinatigil niya.

"Ah si ate Vivian ba?"Jacob.

Sino si Vivian?tumingin naman sakin si Manuel nang seryoso.

"Hmmm...nangangamoy selos"
Ako?!selos? Sinamaan ko lang ng tingin si Matteo,at tinawanan lang nila ako.

Ako nanaman ang inaasar nila ngayon nakakainis!

"H-hindi ako nags-selos ano!"
Pasigaw na sabi ko.

"Pero hindi yan ang nakikita ko sa mga mata mo" Mas lalo akong nailang nang sabihin ni Manuel yon.

"Bakit naman ako magseselos kay Vivan na yan" Nagtawanan naman sila.

"Vivian yon binibini"Pagtatama sakin Manuel.

"Edi Ikaw nang may alam!"
Inis na sabi ko,hindi naman talaga ako nagseselos.

Our chaotic loveWhere stories live. Discover now