Chapter One

113 67 108
                                    


Tahimik payapa at magandang isla ang sumalubong sakin, nakakainis paniguradong boring dito.Bakit pa kasi kami dito naassign,malilikot na batang naglalaro mga matandang masayang nagbibilad ng kung ano.

I hate this place!

Nilibot ko ang paningin ko dahil sabi ni boss may susundo daw saamin dito,pero nilibot ko na ang paningin ko pero wala pa din.

"Tatambay nalang ba tayo dito buong maghapon?" Reklamo ni Dennise,kasamahan ko.

Kaming dalawa ang naassign dito sa isla verde,wala naman kaming ibang gagawin dito kundi tingnan ang pamumuhay nila dito.Naiinis ako sa parents ko dahil alam kung pakana nila ito para magtino ako.

I can't imagine my self stay here for almost 6months,My ghad!!!

Walang wifi dito panigurado, laking pasalamat ko na nga lang dahil may kuryente pa sila.Walang signal,hindi ko alam kung anong magiging silbi ng cellphone ko dito.

Ang pamumuhay dito ay hindi nalalayo sa pamumuhay noong sinaunang panahon,ang baduy!

May lumapit saming isang lalaki
"Kayo ho ba ang aking susunduin mga binibini?"Tanong niya samin,binibini? What the heck?!

Nasa sinaunang panahon ba ako?hays.

"Ah kami nga po ata,I'm Dennise Santos siya naman po si Suzanne Rivera" Pagpapakilala ni Dennise.

"Kayo nga ho,tara na po nang sa ganun ay makarating agad tayo sa inyong tutuluyan" Nakangiting sabi ni manong.

Nagulat ako nang makita ang aming sasakyan.What the hell was that?it's that a carabao na parang side car?

"Ah manong dyan po ba tayo sasakay?" Kinakabahan na tanong ni Dennise.

Tumango naman si manong at inalalayan kaming sumakay.
Oh ghad!Katapusan na ata ng mundo!!!!

Ayoko na dito!

Mula pagkasakay namin ay panay na ang kwento ni manong,at ito namang si Dennise tuwang tuwa na nakikinig.

"Alam niyo ba itong isla verde ang pinaka maganda at tahimik na islang alam ko.Bukod din don ay,masasaya ang tao dito" Kwento ni manong.

"Talaga po?anu-ano na po bang isla ang napuntahan niyo?" Tanong ni Dennise.

Napatawa naman si manong
"Sa totoo lang iha dito na ako lumaki,at ito pa lang din ang isla na napupunthan ko"

Our chaotic loveOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz