Chapter Four

54 47 7
                                    


Nandito kami ngayon sa bahay nila at gagamutin niya yung sugat ko.Tss,parang ito lang umuwi pa.

Kung maglalakad ka mula dito hanggang bayan,mga isang oras siguro.Pero kapag nakasakay ka naman don sa kalabaw na may side car,mga 33minutes siguro.

Kumuha lang ng panggamot si Manuel kaya ako lang mag-isa ang nakaupo dito sa living room nila.Pinagmasdan ko ang bahay,ang sahig nila ay kahoy,at ganun din ang hagdan na sa tingin ko ay sampung hakbang bago ka makarating sa second floor nila.

Malinis din ang bahay nila,napatingin naman ako sa divider nila.Dahil may mga pictures don,at dahil chismosa ako,lumapit ako don para tingnan.

Lima sila sa picture na ito,nakaupo sila mang Ruffo at aleng Leonor,samantalang nasa kanan naman ni aleng Leonor si Manuel at Jacob. Pero hindi ko kilala yung katabi ni mang Ruffo,kung hindi ako nagkakamali kapatid din nila ito.

Matangkad din at medyo maputi kay Manuel,matangos ang ilong at medyo makapal ang labi.

G-gwapo din.

Bigla kong nataob yung frame dahil sa gulat ng magsalita si Manuel sa likod ko.

Napatingin naman ako at bahagya siyang natawa.
"Siya ang kuya ko,gwapo din,hindi ba?" Tumango naman ako at ngumiti.

"Pero mas gwapo pa din ako" Natatawa niyang sabi.

"Assuming lang?" Ganti ko.

Natawa siya at pinaupo nalang ako sa upuan nila.Naiilang ako sa totoo lang,hindi ako sanay na may naggagamot sakin.
Dahil usually ako lang ang gumagamot sa sarili ko kapag may sugat ako.

*Flashback*

Natatakot akong umuwi dahil alam kong pagagalitan nila ako sa itsura ko.Isang black eye at dumudugo din ang labi ko,ganun na din ang kamao ko.

Pero dahil hindi naman ako pwedeng hindi umuwi....pumasok na ako at nakatungong lumakad.

Akala ko ay ligtas na ako ng makaakyat ako sa hagdan ay nagsalita si daddy sa likod ko.
"And what do you think your doing?" Seryosong sabi niya.

Wala akong choice kundi ang humarap sa kanya.
"Ayy bata ka!anong nangyari sa itsura mo?" Nag-aalalang Tanong ni yaya cel.

Tumakbo siya at pagbalik ay may dala nang first aid kit.Lalapit na sana ako sa kanya pero.....

"No....she can do it on her own"
Seryosong sabi ni daddy,wala namang nagawa si yaya cel kundi ang sumunod.

Kinuha ko nalang yung first aid kit at umakyat sa kwarto ko.
Humarap naman ako sa salamin nang sa ganun ay makita ko ang sugat ko,tsk!andami pala ngayon ko lang nakita.

Sinimulan ko sa noo ko na may kunting dugo pa,napasigaw ako sa sakit ng dumampi sa sugat ko ang alcohol.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si daddy.Tsh!

"From now on,....you're the one who will do it.... on your own.No one will help you,and that's final"
Sa pananalita niya,sinasabi niya sakin na hindi na ako makakahingi ng tulong mula sa kanya,at kahit na kanino pa.

Our chaotic loveWhere stories live. Discover now