Chapter Five

51 45 2
                                    


Walang iba kundi si Manuel....na diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"A-anong ginagawa mo dito?" I asked him.

"Sinundan ka,tinawag pa kita pero hindi mo ako narinig" Seryosong sagot niya.

Naka earphone kasi ako.

Don ko lang napansin na nababasa siya dahil sakin ang nakatapat yung payong.
Argh,I hate rain!sumasakit ulo ko.

"Sayo na yang payong,maliligo nalang ako sa ulan" Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko.

Wag mong sabihin na may ibig sabihin din kapag naligo ka sa ulan?

"Hindi maari yang iniisip mo binibini....kaya ako naparito dahil pinahanap ka saakin ng kaibigan mo.Dahil sumasama daw ang iyong pakiramdam kapag umuulan" Mahabang kwento niya.

Tama nga siya,sumasama ang pakiramdam ko kapag umuulan.Hindi ko din alam e,literal na sumasakit.

Pero hindi ko alam kung bakit ngayon ay hindi ko maramdaman.

"Tara na binibini, maghati nalang tayo sa iisang payong"
Tumango nalang ako at nagshare kami sa payong.

Bakit ba kasi ang liit ng payong niya,sikip tuloy kami.

Habang nasa daan ay nagtanong siya."Maaari ko bang malaman kung bakit sumasama ang pakiramdam mo tuwing umuulan?"Seryoso niyang tanong.

Sa totoo lang hindi ko din alam,may time pa nga na inaapoy ako ng lagnat pagkatapos umulan.

"Hindi ko din alam"Sagot ko,tumango naman siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Hindi ko alam kung bakit ang bagal ng oras ngayon,hanggang ngayon nasa daan pa din kami.
Nagulat naman kami ng may sumigaw sa likod namin.

"Manuel!" Malakas na sigaw ni...

Yung lalaking bumili samin,este nanghihingi ng paninda.

"Bakit?" Seryosong tanong ni Manuel,hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ngayon.

"Hindi pa tayo tapos,ibigay mo sakin yang babaeng matapang na yan at makakaalis ka na"
Nagulat naman ako ng mapatingin siya sakin,habang nakangisi.

Ang panget!

Lumingon naman sakin si Manuel na parang walang nangyayari."Gusto mo ba sa kanya?"Lumaki ang mata ko sa tanong niyang yon.

Our chaotic loveWhere stories live. Discover now