Chapter Fourteen

31 30 0
                                    

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami dito sa tabi nang dagat.Manuel and Matteo created a bonfire,ngayon ko lang naranasan ito.Nakakatuwa naman at sila ang kasama ko.

"Pano ba yan binibini aalis ka na bukas" Pang-aasar ni Matteo.

Nalukungkot man ay ngumiti nalang ako sa kanya.

Nandito sila Jacob,Lahorra, Matteo at Manuel.Dahil huling gabi ko na nga dito ay sinulit na namin.Meron silang dalang alak na sa tingin ko ay hindi naman sobrang nakakalasing.

I don't drink actually,but this time I want to try,since I'm already 23 years old.Binigyan naman ako ni Manuel na agad kong ininom,tiningnan ko lang siya ng masama dahil tubig ang binigay niya sakin.

"Tubig oh!" Inis na sabi ko,tinawanan niya lang ako.

Ganun din sila,nakakainis naman birthday na birthday ko inaasar pa din nila ako.

"I don't want you to drink...if you're going to drink I'll make sure it's our wedding"
Pag-eenglish niya,siguro nag-english siya para hindi maintindihan nila Lahorra at Jacob.

"Hahaha you're so fast brother"
Nag-apir lang sila na ikinanuot ng noo nila Lahorra at Jacob.

Napailing iling nalang ako sa sinabi nila,but I like it.hahaha.

"Binibini...bakit nga pala hindi mo kasama ang iyong kaibigan?"
Tanong ni Jacob,nagkatinginan naman kami ni Manuel.

"A-ah nauna na siya,may aasikasuhin pa daw siya sa manila e" Pekeng ngiting sabi ko.

Tumango naman siya,pinagpatuloy lang namin ang masayang kwentuhan habang yung mga lalaki naman ang nag-iinom.

"Wag kang masyadong uminom"
Bulong ko kay Manuel.

"Opo" Bulong din niya,ako lang ba?natutuwa ako kapag may po!

Hays! Ayoko na ang oa ko na!

Patuloy pa rin ang pagkukuwentuhan nila,inikot ko naman ang paningin ko at nagtama ang mata namin ni Baldo.

Baldo?!!!

Agad akong napatayo nang makita ko siya,nakangiti ito saakin na parang may masamang balak.

"Binibini ayos ka lang?" Tanong ni Manuel.

"N-nakita ko s-si B-baldo don" Turo ko sa medyo madilim na bahahi ng mga puno.

Napatayo naman silang lahat at agad na pinuntahan ni Matteo, susunod sana si Manuel pero pinigilan ko siya.

Natatakot ako na baka mapahamak ulit siya sa kamay ni Baldo.Mga ilang minuto din ay nakabalik na si Matteo,ngumiti naman siya at lumapit kay Manuel na ikinalaki nang mata niya.

"Anong meron?"
Tanong ko naman sa kanilang dalawa.

"W-wala,sa tingin ko kailangan na nating umuwi.
Magmamadaling araw na,mahaba pa ang byahe mo binibini.Para makapagpahinga ka pa"Mahabang sabi niya.

Hindi niya ba nakita si Baldo don?pero sigurado akong nandon si Baldo na nakangiti sakin.

Nandito na kami sa madilim na daan,sinabihan din nila si Lahorra na sa bahay na matulog para may kasama ako.

Pumayag naman ako dahil wala na din si Dennise sa bahay,medyo lasing si Matteo kesa kay Manuel.Si Jacob naman ay kunti lang ang ininom kaya nakakapag lakad pa ng maayos.

Habang si Manuel naman ay kapit ko sa braso,nandito na kami sa tapat ng bahay dahil hinatid nila kami.

"Mauna na kami binibini"
Paalam ni Matteo at Jacob.

Hinihintay kong magpaalam si Manuel pero tumalikod na sila.
Baka sobrang pagod na siya,ngumiti nalang ako at pumasok na sa loob.

"Maligayang kaarawan binibini"
Nagulat naman ako sa maliit na box na inabot niya sakin.

Natatawa naman siya,binuksan ko yun at natuwa ako sa nakita ko.

Isang bracelet na gawa sa shells,merong araw sa gitna nito kaya lalong gumanda.

"Salamat dito Lahorra"
Nakangiti kong sabi sa kanya at yumakap.

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko at pinagmasdan ang kwintas na binigay niya sakin.Napangiti ako at the same time nalukungkot,mamimiss ko silang lahat.Lalo na si Manuel,ang taong mahal ko.

Hindi ko pa man nasasabi sa kanya sa personal na mahal ko siya ay alam ko namang ramdam niya.

Humiga na ako at ipinikit ko na ang mga mata ko.Happy  birthday Suzanne rivera.

**********
Ngayon ay nandito na ako sa sakayan kung saan papuntang manila.Nakakatawang isipin na ang bilis talaga ng panahon,parang dati lang nandito din ako para tingnan ang kinabubuhay nila.

Pero ngayon nandito ako at paalis na,nandito din sila Lahorra,Matteo at Jacob.
Hindi ko alam kung bakit wala pa si Manuel,wala pa naman ang sasakyan ko kaya nag-iintay pa rin ako sa kanya.

Panay din ang tingin ko sa paligid at nagbabakasakaling
makita ko siya.Pero ilang minuto pa ay dumating na ang maliit na bangka na sasakyan ko.

"Sa tingin ko hindi na siya makakarating binibini" Malungkot na sabi ni Lahorra.

Ngumiti naman ako sa kanila para sabihing ayos lang,kahit
ang totoo ay nalukungkot ako.

Bakit hindi ka pumunta?

Niyakap ko naman silang tatlo bago tuluyang sumakay nang bangka.Hanggang sa pagsakay ko ay panay pa din ang pag-ikot ng paningin ko,
nagbabakasakaling makikita ko siya kahit ilang saglit.

Hanggang sa tuluyan nang makalayo ang bangka,kumakaway pa din sila sakin at ganun din ako sa kanila.

Hindi ko siya nakita.

Walang Manuel na naghatid sakin.....wala.

Susunod.........

Our chaotic loveDär berättelser lever. Upptäck nu