Chapter Two

75 61 5
                                    


"Ako nalang ang sasama sa kanya" Seryosong sabi ni.....

Manuel?akala ko ba may gagawin siya,sabi niya kanina.

Wala namang nagawa si Jacob at pumasok na sa loob ng kanilang bahay.Sa totoo lang mas gugustuhin ko pang yung bata na yun ang kasama ko.Hays.

"Tara na binibini" Tinanguan ko lang siya at nagsimula na kaming maglakad.

Walang nagsasalita saming dalawa kaya ang awkward.
"Saan mo ba gustong pumunta?"
Tanong niya.

"Malapit ba dito ang dagat?" Tanong ko sa kanya,napaiwas naman siya ng tingin at tumango.

Sumunod nalang ako at hindi na nagsalita,mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa dagat.Dito ko lang napansin na wala halos tao.

"Ito ang isa sa pinagmamalaki ng isla verde,at ito rin ang pinaka gusto ko sa lahat.Ang pagmasdan ang paglubog ng araw at tanawin ang kulay asul na dagat" Nakangiti niyang kwento,habang ang paningin ay nasa dagat.

"Pero bakit parang walang tao dito?" Tanong ko.

"Naniniwala kasi sila na masamang pagmasdan ang paglubog ng araw"

Ano daw?pano naging masama yon?

"Dahil sa paniniwala nila pag pinanood mo daw ang paglubog ng araw.....hindi matutupad ang iyong mga mithiin" Malungkot na sabi niya.

"Eh bakit ikaw?hindi ka ba natatakot na baka hindi matupad yung mithiin mo?" Iww!nacocornyhan ako sa pananalita ko.

Bahagya siyang natawa."Hindi e,kasi nasa tao naman yun.At hindi basehan ang panonood ng paglubog ng araw"Tama siya nasa tao pa rin talaga yun.

Sa totoo lang naaawa ako sa mga tao dito,parang tanggap na nila na hanggang dito nalang sila,na wala silang mararating.

But I saw a man who's willing to pursue he's dream.

Bago dumilim ay inihatid na niya ako,dahil delikado daw pag gumabi na dito.Lalo na at hindi pa ako sanay sa lugar nila.
"Thank you" nakangiti kong sabi, nahahawa na ako sa mga ngiti nila.

Our chaotic loveWhere stories live. Discover now