Chapter Seventeen

23 24 0
                                    

Walang sawa ang pagpatak ng mga luha ko,nasasaktan ako.Kasalanan ko ito,sobrang bata pa ni Jacob para mawalan ng mga magulang.

Hindi rin ganun kadali mamuhay dito sa lugar nila.At balak pa nila daddy na bilhin itong isla.

What should I do now?

I need to do something...

Pinunasan ko na ang luha ko at pumasok na ulit sa bahay nila Lahorra,pag pasok ko sa kwarto niya ay nagulat siyang makita ako.

"Binibini a-ano pong nangyari?" Nag-aalalang tanong niya,napatingin naman ako sa salamin.

Halatang umiyak nga ako,gulo gulo din ang mahabang buhok ko."W-wala m-masyadong mahangin sa l-labas"Nauutal na sabi ko,pumunta muna akong cr para ayusin ang sarili ko.

Patawad Manuel....at sa pamilya mo.Kung hindi sana ako napadpad dito,buo pa sana kayo.

Hinayaan kong umagos ang luha ko,kapag malayo ako sa kanya.Walang gagawin si Dennise,kapag malayo ako sa kanya,walang mapapahamak.

I have to stay away from him.

But that does not mean...that I don't love him anymore.Because I freaking do!
I love him so much,even our story is this fu***ng mess.

A chaotic love!

Naghilamos lang ako at lumabas na din sa cr,nakita ko namang tulog na si Lahorra.Humiga na din ako at ipinikit ko na ang mga mata ko.

*******

Nagising ako dahil sa pag-uuga sakin ni Lahorra. "Binibini" Gising niya sakin,kinusot ko naman ang mata ko.

Umaga na ba?bakit parang ang bilis.

"Bakit?" I said while yawning.

"Sumilip po kayo sa bintana binibini"Kinusot ko naman ang mata ko bago sundin ang sinabi niya.

Pagtingin ko don ay nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko.
Nanlaki ang mata ko,anong ginagawa niya dito?

Sa tingin ko ay madaling araw na dahil medyo maliwanag na din.Sinenyasan niya akong bumaba,agad naman akong bumaba at nakita ko siyang nag-aantay sakin.

*dugdug dugdug*

"Kahit sa huling sandali....gusto kitang makasama binibini" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Huling s-sandali?" Nalilitong tanong ko,ngumiti naman siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

Na nagpabilis sa tibok ng puso ko,hindi dahil sa tuwa o kilig.
Dahil hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.

Wala naman akong akong nagawa at sumama sa kanya,nandito kami kung saan nagtapat siya ng pag-ibig sakin....kung saan madalas naming panoodin ang paglubog ng araw at ang kulay asul na dagat.

Sobrang payapa nang paligid, pero ramdam ko pa din ang kaba sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag kung ano.

Umupo naman kami sa upuan na gawa sa kahoy."Patawad kung nasabi ko sayo yun kanina binibini"Malungkot na sabi niya.

Sa totoo lang nasaktan ako pero mas nasasaktan akong nakikita siyang nasasaktan.

"Hindi ko intensyon na sabihin yon,pero kailangan" Bahagya siyang tumigil at tumingin sa mga mata ko."Alam ko lahat...alam kung si Dennise ang nagpapatay kay itay.Si Dennise din ang nag-utos kay Baldo na harangin tayo sa daan....at si Dennise din ang pumatay kay inay"Malungkot na kwento niya.

Ako naman ay nagulat dahil sa sinabi niya,hindi ko alam pero parang nahihirapan din siyang huminga.

Siguro dahil sa sama ng loob na kinikimkim niya.
"Binibini...nasasaktan ako nang malaman kong bibilhin ang isla na ito" Alam na niya pala.

"At nagsisisi ako,kung hindi sana ako patagong tumingin sayo.B-buhay pa si inay...a-at h-hindi bibilhin ang islang i-ito.Kasalanan ko" Tuluyan ng pumatak ang mga luha niya na labis na ikinalungkot ko.

"Mahal kita binibini at sigurado ako sa nararamdaman kong yon,pero kailangan kung gawin lahat sayo....ang hindi ka pansinin para wala ng gawin si Dennise,ang hirap sakin na hindi sayo magpaalam nung gabing yon....at ang hindi magpakita sayo pag-alis mo.Dahil nasasaktan ako,kapag nakikita kong malungkot ang mga mata mo" Pagkasabi niya nun ay hinawakan niya ang mukha ko at tuluyan na akong naiyak.

Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang lahat.

Hindi ko alam na kaya mo palang pumatay ng tao para sa mahal mo.Dennise!

But I think... It's not love.

It's freaking obsession!

Nakayakap na siya sakin at ganun din ako.Maliwanag na din ang paligid namin,meron sa parte kong ayaw kong bumitaw sa kanya.

Sana lagi nalang kaming ganito,magulo man at malungkot ang isipan.
Magkasama naman kaming hinaharap ito.

But destiny plays on us.

Susunod........

Our chaotic loveWhere stories live. Discover now