Chapter Seven

44 41 4
                                    


Nandito kami ngayon kung saan sabay naming pinanonood ang paglubog ng araw at ang kulay asul na dagat.Sobrang sarap sa feeling,yung tahimik at sariwang hangin.

Kinuha ko naman yung earphone ko sa bulsa at isinuot yon.
Naramdaman ko nalang na may kumuha ng isang pares nung earphone ko."Pakinig"Nakangiti niyang tingin.

Ano pa nga ba?nakuha mo na.

I don't want to run away but I can't take it, I don't understand,
If I'm not made for you then why does my heart tell me that I am?
Is there any way that I can stay in your arms?~

Dahil tig-kabila kami nang earphone,kinig kong sinasabayan niya yung kanta.
Akalain mong alam niya ito.

If I don't need you then why am I crying on my bed?
If I don't need you then why does your name resound in my head?
If you're not for me then why does this distance maim my life?
If you're not for me then why do I dream of you as my wife?~

Pagkatapos nang lyrics na yun ay bigla siyang humarap sakin.
Naiilang ako sa mga titig niya,na hindi ko naman nararamdaman dati kapag ginagawa niya.

*dugdug dugdug*

"Binibini... may gusto sana akong ipagtapat sayo---" Hindi ko na kailangan lumingon kung sino yung tumawag sa kanya,dahilan para hindi niya matuloy yung gusto niyang sabihin.

Dennise.

Walang emosyon siyang nakatingin samin,agad akong napatayo."Dennise we're just--"
She cut my words.

"It's fine,I just want to talk to Manuel" Nakangiti niyang sabi,pero hindi yung ngiti niya dati na masaya.

Nagsimula na akong lumakad,pero binagalan ko.May parte sakin na gusto kong malaman yung pag-uusapan nila.

"Bakit ka naparito binibini?" Tanong ni Manuel.

"Bawal ba?" Seryosong sagot sa kanya ni Dennise.

"H-hindi naman sa ganun"

"Yun naman pala ihh" Hindi ko alam kung bakit hindi ko na marinig yung pag-uusap nila.

Agad akong lumingon sa gawi nila.Nagulat ako sa nakita ko...

Nakahalik si Dennise kay Manuel.

Naging mabilis ang pagtalikod ko at binilisan ko ding maglakad.
Ano itong nararamdaman ko?bakit ako nasasaktan?

Sa pagmamadali ay hindi ko namalayang may nabunggo pala ako."S-sorry"Nakayuko kong sabi.

"Ayos ka lang ba binibini?" Agad akong nag-angat ng tingin sa nagtanong.

Kung hindi ako nagkakamali siya yung panganay na kapatid ni Manuel, hindi ko lang alam kung anong pangalan.

Ngumiti naman ako at tumango.
"Saan ka nakatira?Ihahatid na kita" Nag-aalinlangan man ay tumango na ako,baka makasalubong ko pa yung Baldo.

Our chaotic loveWhere stories live. Discover now