Chapter Three

64 52 8
                                    

Heto ako ngayon at nagbabasa nang libro,hindi talaga ako mahilig magbasa. Sadyang nakakainip lang dito,buti nalang at merong libro si aleng Leonor na pinahiram muna sakin.

Hindi ko akalain na masaya palang magbasa ng libro lalo na at tahimik.Sa library kasi namin,kami nila Thea at kim ang nagpapasimunong mag-ingay.

Sa isang buwan kong pamamalagi dito,naappreciate ko yung mga maliliit na bagay.At paghirapan ang gustong makuha,hindi ko akalain na dito sa lugar na ito ko makikita ang totoong ako.

"Paborito ko din yang basahin" Napatalon ako sa gulat ng may magsalita.

At hindi nga ako nagkamali,dahil nakasilip si Manuel sa binata habang nakatingin sakin.

Creepy amf!

"Anong ginagawa mo dyan?!" Inis na tanong ko,tumawa naman siya ng nakakaloko.

"Hindi ko akalain na magugulatin ka pala binibini" Sabi niya sabay kapit sa bibig,habang nagpipigil ng tawa.

Anong nakakatawa sa panggugulat?

"Biro lang...napadaan lang ako at nakita kitang nakaupo sa bintana" Don ko lang napansin na nakauniporme na siya.

"Paalis na ulit ako"Nakangiti niyang sabi.

Nanaman?!

"Eh anong pakialam ko?" Inis na sabi ko,at ang loko tumawa lang.Kung sa iba ko ito sinabi,baka sinuntok na ako.

"Magpapaalam lang ako binibini"

Magpapaalam?ah.....kay Dennise panigurado.

"Nandon si Dennise sa salas,pumunta ka nalang" Sabi ko sabay kuha ng librong nahulog ko pala dahil sa gulat.

"Sayo ako nagpapaalam" Napalingon ako nang sabihin niya yun.

"S-sakin?" Tanong ko,tumango naman siya.

Ah!alam ko na nahihiya siya kay Dennise at gusto niyang ako ang magsabi nun.

Ginawa pa akong tulay amf!

"Haha sige sige...ako na ang magsasabi!ingat ka bye" May sinasabi pa siya pero tumalikod na ako at pumunta sa living room.

Nakita ko naman si Dennise na nakahiga at nagbabasa din.
"Hoy Dennise umalis na yung man of your dreams" Gulat naman siyang napatingin sakin.

"Ano?!bakit hindi siya sakin nagpaalam?" Mukhang baliw na sabi niya.

Our chaotic loveWhere stories live. Discover now