Chapter 2

14.9K 484 384
                                    

Chapter 2


"Hi!"

Napatigil silang dalawa sa pag-uusap nang bigla akong sumulpot. Nagtataka naman silang napatingin saakin.

"Hello?" Takang bati ni Valencianne.

Nagpa-research kasi ako tungkol kay DLC, and that includes his friends, his first girlfriend, his home address(es),―mayaman kasi kaya marami!―his first pet, favorite color, favorite food, at iba pa. Ultimong araw kung kailan binunot ang unang baby tooth niya alam ko.

Hindi ako stalker, promise!

Iyong best friend ko kasi na si Peyton graduate ng IT kaya humingi lang ako ng pabor. I didn't know she'd go as far as knowing the date of when he first had his thing circumcised!

That's borderline stalking!

Ang sabi ko nalang ay hindi naman ako ang gumawa, si Peyton; kaya wala akong kasalanan. Binasa ko lang naman iyong binigay saakin na impormasyon, hindi ko naman inutos na hanapin ang lahat ng iyon!

I only wanted his name!

Jusko, pati araw kung kailan siya tinuli binigay saakin.

Sabi nga nila, when life gives you lemon, make lemonade.

Hindi ko alam kung ano ang koneksyon no'n sa sinabi ko pero gusto ko lang banggitin.

"Can we help you?" Nakangiting tanong ni Nerwis.

Silang dalawa iyong matuturing kong kaibigan ni DLC. Hindi naman sa loner siya, sadyang kaunti lang ang kaibigan niya dahil isa nga siyang DLC kaya maraming maaaring nagpapanggap lamang maging kaibigan niya.

"Yes," sagot ko kay Nerwis bago ngumiti. "Saan si DLC?"

His forehead creased. "DLC?" I nodded. His face lit up in realization. "Ah, si Sandro?"

I nodded again.

Nagkatinginan naman sila ni Valencianne na tila ba naguusap ang kanilang mga mata. Alam ko na kaagad kung ano ang iniisip nila.

"Hindi ako stalker or anything," napatingin silang dalawa sa akin. I smiled. "Actually, classmate niyo ako."

Isang linggo na kasi ang nakalipas but not once was I called for recitation. I wouldn't say that it was luck; sadyang marami lang talagang estudyante sa klase namin at halos umabot ng kalahating oras bago matapos sa pag-rerecite ang isang estudyante. Marami kasing follow up questions ang mga profs kaya nagiging ganon katagal. Pati si Fletcher ay hindi pa natatawag.

"Ahh. May kailangan ka ba kay Sandro?" Maingat na tanong ni Nerwis.

That was actually cute. I know that they're only looking out for DLC. They're real friends indeed.

"May ibibigay lang kasi sana ako," sabi ko bago pinakita ang isang paper bag. Napansin kong naalerto sila kaya muli akong nagsalita. "Mayroon rin akong bibigay para sa inyo."

Kumislap ang mga mata ni Valencianne nang makita ang nilabas kong isang pack ng Reese's chocolate.

"Uhh, thanks for the offer but―"

Napatigil si Nerwis sa pagsasalita nang ipakita ko naman sa kanya ang isang maliit na box na nilalaman ang isang cake. 

Like I said, I did a background check on them―including his friends' likes and dislikes. Alam kong isa sa mga favorite sweets ni Valencianne ang Reese's at mint-flavored cake naman ang kay Nerwis. 

"Is that mint flavor?" Valencianne asked, her nose scrunching in distaste. Favorite ni Nerwis ang mint pero iyon naman ang least favorite ni Valencianne.

Before I Choose (DLC Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon