Chapter 12

9.5K 348 196
                                    

Chapter 12


I guess I was too ecstatic to notice that I was already skipping to class. Nalaman ko lang nang makita ako ni Fletcher at sinabihan na mukha daw akong tanga. 

I was too happy to even acknowledge his insult. Nagulat pa siya nang bigla ko siyang ngitian sa kabila ng panglalait niya.

"Did something happen?" he asked.

"Hmm.." 

"You're acting weird," he said. "It's creeping me out."

"Bakit? Bawal na ba akong maging masaya?"

He eyed me. "So something did happen," he confirmed. "Does it have something to do with DLC?"

"Maybe," I said in a sing-song voice.

He nodded. "I guess your date went well."

"Went well?" I snorted. "It was perfect!"

Umakto siya na parang nasusuka. "Not interested in your love life."

"Whatever. Pag ikaw nagkagusto sa isang tao, huwag kang magkukwento saakin o magpapatulong." I retorted.

He snorted. "Okay, Ms. MCL."

Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman kong nagva-vibrate iyong phone ko. Kinuha ko naman iyon mula sa bulsa ko at sinagot.

"Yes, Kuya?"

"Heaven Amore!" Sigaw niya mula sa kabilang linya. "Kinuha mo ba 'yung cassava cake ko sa ref?!"

"Huh? Anong cassava cake?"

"Huwag kang mag maang-maangan! Tinanong ko si Mama kanina at ang sabi niya dumaan ka daw dito kahapon. Ngayon sabihin mo, saan mo dinala ang cassava cake ko?"

"'Luh si Kuya ang hilig mambintang. Hindi mo ba naisip na baka si Mama iyong kumain?"

"Tinanong ko na si Mama. Siya pa nga ang una kong tinanong. Ang sabi niya hindi daw siya ang kumain no'n," naiinis niyang wika sa kabilang linya.

"Naniwala ka naman?"

"Malamang! Baka nakakalimutan mong lactose intolerant si Mama?"

I snorted. "So pag hindi si Mama, awtomatikong ako na? Makapagbintang ka talaga Kuya. Do you even have substantial evidence to support your claim?" Hindi siya naka-imik. "Did you even see me eating the cassava cake? Or leaving the house with it?"

Namayani ang panandaliang katahimikan sa kabilang linya bago siya mahinang sumagot. 

"No.."

"See? Then you have no evidence against me. I rest my case." Binaba ko na iyong tawag matapos no'n. 

Nahuli kong nakatitig saakin si Fletcher kaya tinaasan ko siya ng kilay. Bumaba iyong tingin niya sa paper bag na hawak ko sa kabilang kamay. Nginitian ko lang siya at nilagpasan.

Pag-dating sa room, ang unang hinanap ng mga mata ko ay si DLC. Nang makita ko siya, dali-dali akong lumapit sa pwesto niya. 

"Good Afternoon!" bati ko bago inabot ang hawak kong paper bag. 

"What's this?" he asked, his forehead creased.

I beamed. "Cassava cake!"

Nakarinig naman ako ng pagtikhim sa tabi ko. Nang lingunin ko iyon, nakita ko si Fletcher na nakataas ang isang kilay saakin.

"Wala daw sa kanya ah," pagpaparinig niya. 

I just shrugged at him. "Presumption of innocence."

Before I Choose (DLC Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon