Chapter 17

14.1K 441 122
                                    

Chapter 17


I don't know what happened pero simula nung hinatid ako ni DLC nung nakaraan, parang iniiwasan niya na ako. Aminado naman akong mailap siyang tao pero iba iyong kilos niya nitong nakaraang mga araw.

Maging si Fletcher nga ay napapansin iyong pag-iwas sa 'kin ni DLC.

May nagawa ba ako?

May nasabi ba akong hindi niya nagustuhan?

I'm so confused.

"Iniisip mo parin ba iyong pag-iwas sa'yo ni Sandro?" Biglang sulpot ni Fletcher.

"Sa tingin mo, may nagawa ba ako?" I absentmindedly asked.

He shrugged. "Lagi ka namang may nagagawa."

I glared at him. "Seryoso kasi."

"Hindi ko alam," sagot niya bago kamutin iyong batok. "Hindi ko rin naman kasi close si Sandro. Ano'ng alam ko sa trip no'n?"

"Can you ask Nerwis?"

"Ba't ako?"

"Paniki ka?"

"Ha ha. Funny."

"Pero seryoso," sabi ko bago ngumuso. "Medyo close naman kayo ni Nerwis. Patanong naman oh."

"Fine," sabi niya. Akala ko ay lalapit siya sa pwesto ni Nerwis pero nagulat nalang ako nung bigla siyang sumigaw. "Nerwis!"

Oh my gosh. Ano'ng ginagawa ni Fletcher?! Ang dami tuloy napatingin sa kanya! Paano, nasa classroom kasi kami tapos buong klase naman ay nag-aaral para sa quiz namin mamaya sa Negotin!

Kumunot iyong noo Nerwis pero sumagot parin siya. "Bakit?"

"Sabi ni Heaven patanong naman daw si Sandro kung bakit siya umiiwas―aray!" Sinipa ko siya sa paa niya dahil ang lakas ng boses niya. Talagang sinigaw niya iyon sa harap ng mga kaklase namin!

"Sabi ko itanong, hindi isigaw!" Inis kong bulalas dito.

"Arte," he rolled his eyes. "As if hindi alam ng buong klase ang pagnanasa mo kay Sandro."

Napaawang iyong labi ko. Hinampas ko siya sa braso. "Fletch!"

Bumukas ang pinto at pumasok si DLC na seryoso lang ang hitsura. Kasunod niya naman si Atty na may hawak ng mga test paper. Dire-diretso lang si DLC sa pwesto niya, not even giving me a single glance.

Ito iyong sinasabi kong pag-iwas.

Alam niyang lalapitan at kukulitin ko siya pag nandito siya sa classroom kaya lagi siyang last minute pumasok. Grabe talaga. He's willing to go through such lengths just to avoid me.

Ano ba talaga iyong nagawa kong kasalanan at willing pa siyang malate sa klase para lang maiwasan ako?

"Nothing on your desk except your ballpens," anunsyo ni Atty. Bumalik na si Fletcher sa pwesto niya sa likod kaya naiwan nanaman akong mag-isang nag-iisip.


Nung nakita kong lumabas na si DLC ng classroom, dali-dali kong tinapos iyong quiz ko at hindi na nag-abalang idouble check iyon at pinasa na agad.

Lakad-takbo ang ginawa ko para maabutan si DLC. Buti nalang talaga at hindi pa siya masyadong nakakalayo.

Nang makalapit na ako, agad kong hinatak iyong braso niya para mapaharap siya sa 'kin.

"Hubby," I breathed out, still exhausted from running.

He gave me a blank look.

Agad akong natigilan.

Before I Choose (DLC Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon