Chapter 23

13.5K 403 164
                                    

Disclaimer: This chapter contains mature scenes that are not advised for young readers. You have been warned. You may opt to skip this chapter.

Chapter 23


"K-kasi kailangan mo ng tagapag-linis ng suka mo?" 

"What?" tinignan niya ako na para bang tinubuan ako ng tatlong ulo.

Umiwas ako ng tingin. "Kaya mo ako dinala dito."

"The fuck?" he said. "No."

"E'di ano?" I asked, returning my attention to him.

He arched an eyebrow. Humakbang ulit siya palapit hanggang sa nasa harapan ko na siya. Nakatingala ako sa kanya habang nakatungo siya dahil nakatayo siya.

Parang mababalian ata ako ng leeg dito. Ang tangkad niya kasi, idagdag mo pang nakaupo ako, kaya halos maging tulad sa giraffe na iyong leeg ko para lang makita siya.

Nagulat ako nang bigla siyang yumuko. Naiatras ko iyong ulo ko hanggang sa mapasandal nalang ako sa sofa. Samantala, seryoso lang iyong mukha niya habang nakatingin sa 'kin.

He slowly inched his face closer so I decided to shut my eyes close. 

Napadilat ako at natulala nang maramdaman ko ang saglit na pagdampi ng labi niya sa tungki ng ilong ko. Matapos no'n ay bigla nalang siya humiga sa sofa, iyong ulo niya naman nakapatong sa lap ko.

Napahawak ako sa ilong ko.

"This room is for Nerwis," napatingin ako sa kanya at napansing nakapikit na siya. I dropped my hand. "He asked me to book it for him."

"Ah.." I said, at a loss for words. "E'di nasaan siya? Ba't tayo iyong nandito?"

Bigla akong napatitig sa buhok niya. 

Magagalit kaya siya kung...

Hindi ko na napigilan ang pag-dampi ng kamay ko sa buhok niya. Chineck ko iyong reaksyon niya at nakitang wala naman itong pinagbago. I relaxed and started to play with his hair. 

"He'll go here after the party," he replied. 

"Hindi mo sinagot iyong sunod kong tanong. Bakit tayo iyong nandito?"

"Because I want to rest," pagsusungit niya. "Now hush."

Hindi na ako umimik.

Kinuha ko ang pagkakataon para pagmasdan ang kabuuhan ng kanyang mukha. I traced his face―from his closed eyes, to his sharp nose, to his soft lips.

I immediately withdrew my hand when I felt him kiss my fingers.

Pakiramdam ko ay nakuryente ako sa ginawa niyang iyon.

Biglang dumilat si DLC at hinawakan iyong kamay ko. 

"Anong―"

Muli siyang pumikit ngunit hindi niya binitawan iyong kamay ko. Instead, he started playing with my fingers. Tila may mga paro-paro naman na lumipad sa tyan ko dahil sa ginawa niya.

Grabe iyong epekto sa 'kin ni DLC.

Kung gapangin ko kaya siya ngayon tapos pilitin ko siyang gumawa ng baby? Pero biro lang. Gusto ko muna grumaduate, makapasa ng BAR at maging abogado bago ako bumuo ng pamilya.

Bigla namang pumasok sa isip ko iyong pinagbintangan niya ako ng pagiging isang.. golddigger.

Hindi ko maintindihan.

Kung gano'n ang tingin niya sa 'kin, bakit kasama niya ako ngayon? At kung pinapalayo niya ako noon, bakit siya na iyong kusang lumalapit sa 'kin ngayon?

Before I Choose (DLC Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon