Chapter 30

14.1K 332 125
                                    

Chapter 30


Asan ka na, Fletch?

Malapit na magsimula iyong midterm exam namin pero wala parin siya. Nag-bigay lang ng limang minutong grace period iyong proctor namin para makahabol iyong mga late. Matatapos na iyong limang minuto pero wala parin siya.

Kukunin ko na sana iyong cellphone ko para tawagan si Fletcher nang biglang marahas na bumukas iyong pinto.

Napatigil naman ako nang makita ko kung sino iyong pumasok.

Si DLC.

The aura he was emitting was terrifying. Sobrang dilim ng ekspresyon niya, na para bang papatay siya. Bumaba iyong tingin ko sa kamay niya at napansing nakakuyom iyon. 

Muli kong inangat iyong tingin ko sa mukha niya at napansing nakatingin siya sa 'kin. Mariin iyong paraan ng pagtitig niya. I stiffened in my seat.

Galit ba siya sa 'kin?

Pero wala naman akong ginagawa..

Walang imik siyang pumunta sa pwesto niya. Inannounce naman nung proctor na mag-sisimula na iyong exam namin. Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi ko na nagawang kontakin si Fletcher.

Sa kalagitnaan ng exam namin, biglang pumasok si Fletcher. Mahina akong napasinghap nang mapansin kong may pasa siya sa bandang pisngi niya. Putok din iyong labi niya.

Anong nangyari sa kanya?!

Nakipag-away ba 'to?!

Hindi kaya... nalaman na nung ex ni Zylia iyong tungkol sa relasyon ni Fletcher at Zylia tapos sinapak niya si Fletcher?

Hala.

Pagkatapos ng exam namin, agad kong binombahan ng mga tanong si Fletcher. Siya naman, napakamot nalang sa batok sa sobrang dami kong sinasabi. Nag-aalala lang naman ako, syempre kaibigan ko si Fletch kaya gusto ko malaman kung ayos lang ba siya.

"Okay lang nga ako," pagpupumilit niya.

"Okay ka d'yan! Ube na iyong pisngi mo oh!" Sabi ko bago tinusok iyong pasa niya. Agad siyang napaatras mula sa 'kin at sinamaan ako ng tingin, hissing in pain.

"Alam ko, hindi mo naman kailangan tusukin," sarkastiko niyang tugon.

"Sino ba iyong gumawa sa'yo nyan? Sabihin mo sa 'kin at ipapabugbog ko!"

He chuckled pero mukhang nahirapan siya dahil sa pasa sa pisngi niya. 

"Baka pag sinabi ko, kainin mo iyong sinabi mo," biro niya.

Kumunot iyong noo ko. "Bakit ko naman babawiin iyong sinabi ko? Sino ba 'yang taong 'yan? Anak ba 'yan ng presidente?" Sarkastiko kong tanong.

He shook his head. Mukhang ayaw niya talaga sabihin kung sino iyong nanakit sa kanya. I clicked my tongue in annoyance before pressing my lips into a firm line.

I cupped his cheek using one hand and padded my thumb over his swollen lip. Bigla siyang napalayo mula sa 'kin. Kumunot naman ang noo ko. I was about to ask him when I noticed him looking at something behind me.

Lumingon ako at nakita si DLC. Walang ekspresyon ang kanyang mukha pero makikita mong may galit parin mula sa mga mata niya. Palipat-lipat iyong tingin ko mula sa kanilang dalawa na nakatitig sa isa't isa.

"Oy, Fletch. Bakit bugbog sarado 'yang mukha mo?" biglang sulpot ni Nerwis kasama si Lensha.

Naputol iyong titigan nila Fletcher at DLC. Fletcher turned to Nerwis before grinning.

Before I Choose (DLC Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon