Chapter 28

11.9K 304 67
                                    

AN: Posted 5 updates. Make sure to read chap 24 first!

Chapter 28


"Flet―" I was about to apologize for eavesdropping when he suddenly held my wrist and dragged me. "Hoy anong―"

"Zylia," tumigil si Fletcher sa paglalakad kaya agad naman ako napaayos ng tayo. Pag-tingin ko sa harap, nandoon si Zylia na namumula ang mata at ilong, hudyat na kagagaling lang nito sa pag-iyak. Mayroon pa ngang bakas ng natuyong luha sa kanyang mukha.

Tulad ko ay halatang naguguluhan rin siya sa biglaang paghatak sa 'kin ni Fletcher. Nang mapunta sa 'kin iyong atensyon ni Zylia, naiilang akong ngumiti.

Bumaling ako ng tingin kay Fletcher. "Fletch―" he cut me off.

"Zylia, ayoko sanang aminin sa'yo sa ganitong paraan but you leave me no choice," he said, his face stoic.

Ano 'tong sinasabi ni Fletcher? Anong pag-amin?

Teka. Don't tell me..

"Fletcher..." Zylia trailed off.

"You're right," sabi ni Fletcher. "May relasyon kami ni Heaven."

Halos lumuwa naman iyong mga mata ko sa sobrang gulat.

"A-ano?" Zylia stammered, glancing at me before returning her attention to Fletcher. "Pero ang sabi mo sa 'kin―"

"Sinabi ko lang sa'yo na mag-best friend kami dahil alam kong kung sinabi kong may relasyon kami, iiwasan mo ako."

"F-fletcher hindi kita maintindihan."

"Matagal ko nang alam na may boyfriend ka, Zylia. Nung nilandi mo ako, pinatulan lang kita because I was bored. Hindi ko aakalain na aabot sa puntong magugustuhan mo rin ako. Pero hindi ko pinagsisihan iyong ginawa ko kasi at least sa paraan na iyon, nabunyag ang totoo mong kulay. That you're a fucking cheater."

My jaw dropped.

Si Fletcher ba talaga 'tong kasama ko?!

Nakita ko ang pagrehistro ng sakit sa mukha ni Zylia bago iyon napalitan ng galit. 

Oh no.

Nagsimula ako magbilang ng kambing sa utak ko. Rinig ko iyong pagmumura ni Zylia kay Fletcher, pati narin iyong pag-lalabas niya ng hinanakit niya pero pilit ko iyon winawaksi mula sa panrinig ko. I forced myself to continue counting goats in my mind para lang ma-distract ako mula sa kaguluhan sa paligid ko.

Bigla akong tinuro ni Zylia habang galit na nakatingin kay Fletcher.

"Hindi rin ako naniniwalang magkarelasyon kayo!" she snapped. "Patay na patay si Heaven kay Sandro tapos sasabihin mong kayo?!"

Grabe naman iyong patay na patay.

Totoo iyon pero ayaw kong ipinanlalandakan nila sa buong mundo.

"Front lang iyon ni Heaven. 'Di ba, babe?" Wika ni Fletcher bago ako siniko.

Babe?

Parang gusto ko tuloy mag-suka.

"O-oo," pilit kong sinabi. Kita ko kasi iyong tingin sa 'kin ni Fletcher. Para bang handa niya akong kalabanin kung hindi ko sinakyan iyong kalokohan niya.

Bakit ba ako naipit sa gulong 'to...

Gusto ko lang naman maging abogado.

Bakit naging girlfriend ako ni Fletcher.

"I still don't believe the both of you," mariin na wika ni Zylia habang tinatapunan kami ng masamang tingin.

Pasimple ulit akong siniko ni Fletcher.

Before I Choose (DLC Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon