Chapter 5

10.5K 393 208
                                    

Chapter 5


"Fletch? Uy, saan ka nanggaling?" Gulat kong tanong nang makita ko siya nakatayo sa tabi ko.

Bigla siyang umupo sa upuan sa tabi ko at walang paalam na kinuha ang inumin ko. Inuman niya iyon gamit ang kaparehas na straw na ginamit ko. Napansin niya atang nakatitig ako sa kanya kaya napatigil siya sa pag-inom.

He arched an eyebrow. "Don't tell me you believe in indirect kiss?"

I scowled. 

"Who's that?" Napalingon ako kay Kuya Art nang magsalita siya. "Bagong boyfriend mo?"

Nagulat ako nang biglang maibuga ni Fletcher iyong iniinom niya. Buti nalang at nakaiwas kaagad si Kuya Art. Hindi naman nakatapat si Fletcher kay Kuya Art pero mababahiran parin siya ng kape sa lakas ng pagbuga ni Fletcher.

"What the hell!" Inis na bulalas ko.

Iyong inumin ko! I paid 160 pesos for that!

Pinahid ni Fletcher ang bibig niya gamit ang kanyang kamay bago inabot saakin ang frappe kong nangangalahati nalang.

Fletcher grimaced. "No offense Heaven pero hindi kita type."

Napasimangot naman ako. Hindi ko tinatanong!

Akala ko nung una kong nakilala si Fletcher, mabait siya. Pero habang tumatagal, parang nagiging visible na iyong sungay niya sa ulo pati narin iyong buntot niya. Medyo nahahawa na nga ako sa kademonyohan niya eh!

"As if naman type kita," singhal ko sa kanya.

He shrugged. 

Tumikhim naman si Kuya Art. Napabuntong hininga ako at pinakilala na sila sa isa't isa.

"Fletch, si Kuya Art, friend ng kuya ko―"

"Arthur," pagtatama ni Kuya Art. Kami lang kasi iyong gusto niyang tumawag sa kanya ng Kuya Art. Daming kaartehan no?

"Kuya Art, si Fletcher, friend and blockmate ko." Pagpapatuloy ko.

Tumango si Fletcher at inabot iyong kamay niya. "Nice to meet you bro. Kung type mo si Heaven, iyong iyo na 'yan. Hindi ko type iyong mga baliw na babae."

"Hey!"

Kuya Art chuckled before accepting Fletcher's hand. "Hindi ko rin type 'yan. Matino pa naman ako."

Fletcher grinned. "Congrats. Safe ka."

"Hello, nandito lang ako sa harapan niyo." Nakabusangot kong wika.

"May naririnig ka ba? Parang may nagsasalita ata." Kunot noong wika ni Fletcher.

"Oo nga eh. Pero baka bubuyog lang," aba't sinakyan niya pa iyong kalokohan ni Fletcher!

Grabe naman 'tong dalawang 'to. Ako pa talaga pinagdidiskitahan. Dapat pala hindi ko sila pinakilala sa isa't isa. Hindi ko naman aakalaing mag c-click sila!

"Mga bully kayo."

Sabay naman silang natawa. Kita mo na! Mga bully!

"So Kuya Arthur―"

"Just Art."

Wow parang kanina lang Arthur pa. Ngayon na-promote na siya to Art!

"Kuya Art, anong ginagawa mo dito kasama 'tong si Heaven?"

Kuya Art smiled. "I'm actually a lawyer. I met up with a client and decided to pass by here since kakilala ko ang may ari."

"Woah. Lawyer ka? Talaga? Sa same univ ka ba namin nag-aral?" Manghang tanong ni Fletcher.

Before I Choose (DLC Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon