Chapter 3

11.4K 427 385
                                    

Chapter 3


"What's that?" he frowned.

Lagi nalang nakasimangot 'tong lalaking 'to kapag ako ang kaharap. At least pag sina Valencianne at Nerwis, blanko lang ang mukha niya at paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang nakangiti. Kapag kasi nakasimangot siya, pakiramdam ko ay ayaw na ayaw niya talaga saakin.

I smiled. "Buksan mo."

He sighed. Alam niyang hindi ko siya titigilan hanggang sa kunin niya ang binibigay ko kaya napipilitan man ay kinuha niya na ang paper bag na hawak ko at binuksan iyon.

Halos dalawang linggo ko narin siya binibigyan ng kung ano-ano. Every day ay may bigay ako sa kanya. Syempre gusto kong ipakita sa kanya na consistent ako. Consistency is key nga, 'di ba?

"What... is this?" Kunot-noo niyang tanong habang nakahawak sa durian.

Napahagikgik naman ako. "That's a fruit."

His eyebrows raised in surprise. "Fruit?"

I nodded. "Hindi ka pa ba nakakakita nyan? Durian ang tawag dyan. Masarap 'yan!"

He wrinkled his nose. "What is this smell? It smells awful."

I giggled. "Ganyan lang talaga ang amoy nyan. That's normal. Anyway, itago mo 'yan ha? Tapos pag-uwi mo sa bahay niyo kainin mo," nakangiti kong sabi.

Bago pa man niya ibalik saakin iyon, dali-dali akong tumakbo papunta sa classroom namin. Naabutan ko naman si Fletcher na nagsusulat. Siguro iyong case digest na pinapagawa saamin ni Atty. Perez. 30 case digest kasi iyong pinasulat niya, buti nalang at tinapos ko na lahat kagabi.

Bigla siyang tumigil sa pagsusulat at napatingin saakin. He was sniffing the air until his nose landed on my hands. Kaagad ko tinulak palayo ang mukha niya.

"Anong ginagawa mo?"

He scrunched his nose. "Ba't amoy durian?"

I smiled. "Iyon 'yong binigay ko kay DLC."

He grimaced. "Really? Durian pa talaga binigay mo sa nililigawan mo?"

Gusto ko siyang itama sa pagtatawag saaking manliligaw ni DLC pero napaisip din ako. Sa ginagawa ko, para ngang nililigawan ko si DLC. But who cares? It's 2020, duh. Hindi lang naman lalaki ang pwedeng manligaw.

Ang daya naman kasi non, pag lalaki ka tapos may gusto ka, pwede mong ligawan. Pero pag babae ka tapos may gusto ka, wala kang pwedeng gawin kun'di hintayin na ligawan ka lang nung lalaki. Eh paano kung ayaw kang ligawan? Dapat ang babae pwede ring manligaw!

"Hindi mo ba alam? If the scent is memorable, the memory will linger," tinaas-baba ko ang kilay ko.

"Ano? Saan mo naman iyan nakuha?"

"Saakin lang. Kung iq-quote mo 'yan sa iba, make sure na i-cite mo ako ah! Plagiarism 'yan pag hindi mo ako cinite."

Napailing nalang siya. "Mga kalokohan mo, Ms. MCL."


"A Constituent assembly is composed of all members of the bicameral Philippine Congres―"

"Stop."

"Po?"

Atty. Mencio wrinkled his nose. "What is that smell?"

Nagsimulang magbulong-bulungan ang mga kaklase ko.

"Sabi ko sa'yo, hindi lang ako ang nakakaamoy. May sipon ka siguro kaya hindi mo naaamoy."

"Kanina pa 'yang amoy na 'yan simula nung klase ni Atty. Perez, hindi lang ako nagsasalita."

Before I Choose (DLC Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon