Chapter 8

9.6K 386 218
                                    

Chapter 8


"Malandi," rinig kong bulong ng babae nang lagpasan niya ako.

I halted in my tracks and turned to look at her. "Excuse me?"

Nilingon niya ako, feigning an innocent expression. "Ako ba ang kausap mo?"

I snorted. "Bakit? May nakikita ka pa bang ibang tao dito?"

She smiled despite her obvious irritation. "What do you want?"

I took a step closer to her. "What do you want?"

She laughed. "Ako iyong tinawag mo pero ako pa ang may kailangan sa'yo? Baliw ka ba?"

"Akala mo hindi ko narinig iyong pagbulong mo ng malandi dyan?" 

She smiled. "Bakit? Hindi ba?"

Kumunot iyong noo ko.

Isa ba 'to sa mga fangirls ni DLC?

"Malandi ka," she continued, filling in the silence because of my lack of response. "Una si Fletcher tapos ngayon si Sandro."

I snorted. "Nasa law school na tayo pero kung makapagsalita ka parang nasa high school ka parin. Talk to me when you mature, okay?"

Akmang aalis na ako nang hawakan niya ng mahigpit ang braso ko. 

She glared at me. "Pristine."

"What?"

"Pristine Cayetano. Remember that name," she muttered before releasing my hand and turning on her heel.

Weirdo.

Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso na sa klase. Kasunod ko lang iyong professor namin kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon para guluhin si DLC.

"Cayetano."

I blinked.

Nilingon ko 'yong babaeng tumayo at bahagyang nanlaki iyong mata ko nang makitang siya iyong babaeng kausap ko kanina. Malapit lang siya sa pwesto ni DLC since C ang simulang letra ng last name niya.

"Discuss Gonzales v. Comelec." Atty. Bacani said.

Nagawa niyang sagutan lahat ng tanong ni Atty. Sobrang seryoso niyang mag-recite na akala mo kanina hindi siya umakto na parang high schooler. Parang ibang-iba siya ngayon mula sa babaeng sinabihan ako ng malandi.

Nang matapos siyang mag-recite ay nakita kong napalingon pa siya saakin at ngumisi bago tuluyang umupo. Hindi ko nalang siya pinansin at binalik na ang tingin kay Atty.

Ano naman kung maganda 'yong recitation niya? Magaling din naman ako mag-recite.

Hindi ko tuloy mapigilang mapasimangot. Nagpapakitang gilas ba siya kay DLC?

Nang matapos ang klase, inayos ko na iyong gamit ko. Lalapit na sana ako kay Fletcher nang matigilan ako sa nakita ko. Kausap niya iyong Pristine. Nakangiti pa nga silang dalawa na parang ang ganda ng pinaguusapan nila. Kumunot iyong noo ko.

Close ba sila? Pero never ko naman sila nakitang nag-usap.

For some reason, pakiramdam ko ay may nakatingin saakin. Wala sa sariling napatingin ako sa direksyon ni DLC at nagulat nang mag-salubong ang aming mga mata.

Bahagyang napaawang iyong labi ko bago ko napagtanto iyong nangyari. Nahuli ko siyang nakatingin saakin!

Hindi ko napigilan ang pagkurba ng isang ngiti sa labi ko.

I winked at him. Iniwas niya iyong tingin saakin bago lumabas ng room. Natatawa naman akong sinundan siya ng tingin.

Kinilig siguro iyon!

Before I Choose (DLC Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon