Chapter 20

14.4K 324 55
                                    

AN: Second update. Please don't forget to read chap 19.

Chapter 20


"Excuse me, is this seat taken?"

I raised my head and turned to look at the stranger. I shook my head.

"Nope," I said.

She smiled. "Pwedeng maki-upo?"

I nodded before showing a friendly smile. "Sure."

Nagpasalamat naman siya kaya itinuon ko na ang atensyon ko sa librong binabasa ko.

Kasalukuyan akong nasa library habang nag-aaral. Usually ay si Fletcher ang kasama ko pero nitong mga nakaraang mga araw, lagi nalang siyang missing in action. May hinala ako na kasama niya si Zylia―iyong babaeng aksidenteng nakakuha nung libro niya nung first year pa kami.

Na-meet ko na si Zylia one time at mukha naman siyang mabait. Medyo may pagkakulit rin siya tulad ni Fletcher. Kaya siguro nagkakasundo iyong dalawang iyon.

Nung nakita kong malapit nang mag-time, inayos ko na iyong mga gamit ko at dumiretso na sa klase. Habang papasok ng classroom, nakasalubong ko si Pristine.

"May langaw," rinig kong bulong niya nang lagpasan niya ako.

Napairap nalang ako kahit gustong-gusto ko na siyang sakalin.

Pasalamat talaga siya at malakas ang self-control ko otherwise matagal ko na siyang nasabunutan! Maganda siya pero pangit iyong ugali niya.

Buti pa ako. Maganda na nga, maganda pa iyong ugali.

"Tabi nga d'yan," wika ng isang lalaki bago banggain iyong braso ko. Sisinghalan ko na sana siya ngunit nang makita ko kung sino iyon, napairap nalang ako.

"Epal ka, Fletch."

Lumingon siya sa 'kin bago ngumisi. "Harang ka kasi sa daan."

Umirap nalang ulit ako bago nagsimulang maglakad papunta sa pwesto ko ngunit bago pa ako tuluyang makaupo, agad hinigit ni Fletcher iyong braso ko at hinila ako papunta sa pwesto niya. Agad ko namang hinatak pabalik iyong braso ko kasi naalala kong halos magkatabi lang pala sila ng pwesto ni DLC!

Hinatak niya naman ako pabalik, but this time, mas malakas na kaya wala akong nagawa kun'di magpakaladkad sa kanya.

"Hoy! Ano ba ang trip mo?" Mahina kong bulalas dito.

Nadaanan namin iyong pwesto ni DLC pero seryoso lang siya sa librong binabasa niya. Ni hindi niya nga kami dinapuan ng tingin.

"Tulungan mo ako," he said, dropping my arm.

"Yeah, no." Mabilis kong sagot. Tatalikod na sana ako nang hatakin niya ulit ako pabalik. "Ano ba, Fletch. Makahatak ah? Lubid ako? Lubid?"

"Dali na kasi. Saglit lang 'to," sabi niya.

Lumapit na ako sa kanya. "Ano ba kasi iyon?"

May nilabas siyang dalawang perfume mula sa bag niya. "Ano'ng mas mabango dito?" 

I gave him a blank look. "Seriously?"

"Seryoso nga," naiinip niyang sagot. "Birthday kasi ni Ate bukas tapos hindi ko alam ang ibibigay kaya kinuha ko iyong nakatagong mga pabango ni Mama sa aparador. Alin dito mas mabango?"

"Teka.. hindi ba 'yan malalaman ng Mama mo?"

He snorted. "Ilang taon na 'tong nakatambak doon. Hindi naman nagagamit. Bigay ko nalang kay Ate."

Napairap naman ako. 

Kuripot.

Tinulungan ko nalang siya sa problema niya at pagkatapos no'n ay aalis na sana ako. Iyon nga lang, nagulat ako at muntik nang mapatili nang bigla akong itulak ni Fletcher.

Before I Choose (DLC Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon