Chapter 13

9.3K 339 105
                                    

Chapter 13


"Hi pogi!" He raised his head and his forehead creased. "Oh bakit? Sa tingin mo ikaw iyong tinatawag ko?" I asked before snickering.

He frowned.

"Joke lang! Syempre ikaw lang naman talaga iyong nag-iisang pogi sa paningin ko."

"Eh ako, Langit? Hindi ba ako pogi?" Napalingon ako at nakita si Nerwis na tinaas-baba ang kanyang kilay.

Napanguso naman ako. "Si DLC lang ang pogi sa paningin ko."

Nerwis shook his head before turning to look at DLC. "Bro, sobrang patay na patay talaga 'tong babaeng 'to sa'yo. Nakakatakot na."

"Che! Inggit ka lang kasi walang nagmamahal sa'yo," I quipped before sticking out my tongue at him.

"Anong wala? Mahal na mahal kaya ako netong si Lensha," wika niya bago akbayan si Valencianne na napasimangot sa ginawa niya.

Inalis ni Valencianne iyong pagkaakbay sa kanya si Nerwis. "As if."

Nerwis held his chest before he feigned being in pain. "Ouch."

Hindi ko nalang siya pinansin at muling binalik kay DLC ang paningin ko. I pursed my lips upon seeing his eyes glued to his codal.

Lumapit ako at hinarang iyong ulo ko sa codal niya. Napansin kong kumunot iyong noo niya bago niya nilipat iyong mga mata niya saakin. Inurong niya 'yung codal pero sinundan ko lang iyon ng sinundan until he finally sighed in defeat. 

He massaged his temples. "What do you want?"

"Syempre ikaw," maharot kong pahayag.

He glared at me. "Heaven, I'm studying."

I pouted. "Lagi ka nalang nag-aaral. Hindi ka naman babagsak kung bigyan mo ako ng ilang minuto ng atensyon mo."

"Ay iba na 'yan.." rinig kong komento ni Nerwis ngunit hindi ko iyon pinansin. Diretso lang ang tingin ko kay DLC na seryosong nakatingin saakin.

"Now that I have your attention," I said, grinning. "What do you think about a second date?" I asked, raising my eyebrows in anticipation.

He paused. 

Oh my. Is he really considering it? Usually ay diretsong no ang sagot niya, kaya nakakapanibago na pinagiisipan niya iyong pag-aaya ko.

My smile fell when he shook his head. "No thanks."

"But why?" I asked.

He sighed. "I'm busy."

"Pero natuloy iyong first date natin."

He shrugged. "No matter how busy I am, I keep my promises."

"E'di mag promise ka ulit na magkaka-second date tayo."

"No, Heaven."

"Pero―"

"Nandyan na si Atty!"

Bagsak ang balikat ko nang bumalik ako sa pwesto ko. Tinignan ko pa ulit si DLC na para akong nagmamakaawa ngunit hindi niya ako pinansin.

Naman eh.

Ang hirap talagang ayain 'tong si DLC. Laging busy, laging no ang sagot. Paano naman kami magiging close n'yan?

Pero kung tutuusin, mas may progress na iyong relationship namin kumpara sa dati. Ngayon kasi ay Facebook friends na kami at kahit bihira at maiikli lang iyong mga replies niya, nag-rereply parin siya. Siguro ay dapat matuwa na ako doon kahit papaano.

Before I Choose (DLC Series #2)Where stories live. Discover now