Chapter 34

12.6K 338 126
                                    

Chapter 34


"Congrats Heaven, graduate ka na! Sana pati sa kalokohan mo grumaduate ka na rin!" Bati ni Kuya. Agad naman siyang binatukan ni Mama.

Bumaling sa 'kin si Mama at agad kong napansin ang pamamasa ng kanyang mga mata.

"Ma, isa," banta ko sa kanya. "Huwag kang iiyak! Sabi ko sainyo pag may umiyak sainyo iiyak din ako. Sayang make up ko!"

Pinilit naman ni Mama ngumiti kahit pa na may luhang tumulo mula sa kanyang mata. Pinigilan ko naman ang sarili ko na umiyak.

Graduation ko pero kung umasta akala mo naman kinasal na ako!

"Masaya lang kami na finally, nag pay-off na lahat ng efforts mo. You're officially a lawyer, Atty. Heaven Amora Veneracion!" Sabi naman ni Peyton, iyong best friend ko na dati kong inutusan para mag background check kay Hubby dati.

"Advance mo naman mag-isip," natatawa kong wika. "I haven't even taken the BAR yet. Pag-pumasa ako doon, saka mo na ako i-congratulate at tawaging Atty."

"Sus! Doon din naman punta no'n. Congrats ulit, bff!" Sabi niya bago ako yakapin ng mahigpit. Kumalas siya at tinignan ako ng nakakaloko. "Iyong Summa Cum Laude na nag-speech kanina, iyon iyong boyfriend mo 'di ba?"

Napangiti naman ako nang banggitin niya si Hubby. He graduated Summa Cum Laude at ako naman ay Cum Laude.

Speaking of Hubby..

Bumaling ako kay Kuya at ngumisi. "Kuya, naalala mo pa iyong sinabi mong aahitin mo iyong kilay mo pag naging kami ni DLC?"

Napangiwi naman siya. 


"Hubby!" Sigaw ko bago tumakbo papunta sa kanya. He spread his arms wide, a smile playing on his lips. I immediately wrapped my arms around his waist and breathed in his scent. He chuckled before wrapping his arms around me and kissing the top of my head.

Bahagya akong lumayo at tumingala sa kanya. "Someone wants to meet you," I said with a smile.

A look of confusion passed over his face. "Who?"

"My family," as soon as the words left my lips, I felt his body stiffen against mine.

He visibly swallowed. "N-now?"

Tumaas ang sulok ng labi ko.

Don't tell me he's scared of meeting my Mom and Kuya?

I couldn't help but giggle. "Don't worry Hub, they don't bite. Ako lang iyong nangangagat. Rawr," maharot kong sabi.

His lips twitched into a smile. He shook his head bago niya pinisil iyong ilong ko.

"Crazy," he said.

I held his hand and pulled him with me where I left my family at with Peyton. Agad ko namang naramdaman ang panlalamig ng mga kamay ni Hubby. Mahina akong natawa.

My mom's eyes widened when it landed on Hubby and I's intertwined hands. Si Kuya naman, tumaas iyong isang kilay, trying to look intimidating. I mentally snorted. Si Peyton, parang kinikilig naman habang nakatingin sa 'min.

"Ma, si Hubby, ang boyfriend ko." Pagpapakilala ko. Hindi ko mapigilan ang pagkurba ng isang malaking ngiti sa labi ko nang masabi ko na ang katagang boyfriend.

Agad binitawan ni Hubby ang kamay ko at tumayo ng tuwid na para bang isang sundalo. "It's a pleasure to finally meet you, Mrs. Veneracion."

Nahimasmasan naman si Mama. Agad siyang ngumiti. "Ay napaka-gwapo naman nitong si Hubby."

Before I Choose (DLC Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon