Chapter 21

12.8K 347 41
                                    

Chapter 21


"Good! You came," wika ni Valencianne nang makita niya ako nag-aantay sa labas ng function hall. Tulad ko ay nakasuot siya ng make up at pormal na dress.

Ang ganda niya.

Mag-sasalita na sana ako nang bigla niya nalang akong hatakin. Wala naman akong magawa kun'di magpahatak.

"Valencianne―"

"Just call me Lensha," pagpuputol niya sa sinasabi ko.

"Lensha, can you slow down? Naka-heels kasi ako. Baka matapilok ako eh nakakahiya naman." Nahihiya kong sambit. 

Nasa loob na kami ng function hall at halos mapanganga ako sa ganda ng disenyo ng buong lugar. Lahat din ay naka-formal attire pero sobrang magarbo iyong kanila kaya bigla naman akong nahiya sa suot kong parang napakasimple lang kung ikukumpara sa kanila.

"Can't," she replied. "Nandoon na kasi si Cherry."

"Si Cherry?"

"Yeah. My cousin," she gave me a look. Agad ko namang naintindihan kung ano iyong pinapahiwatig niya.

Si Cherry iyong pinsan niyang obsessed kay DLC.

Tumigil si Lensha sa paglalakad kaya napatigil narin ako. Inangat ko iyong tingin ko at natigilan nang makita si DLC. Ang side profile niya ang natatanaw ko dahil nakaharap siya sa ibang direksyon. 

His dark hair was neatly brushed back, showing a clear view of his perfectly shaped eyebrows that sat above his dark, piercing eyes. He was dressed in a dark blue three-piece suit which radiated a fierce, uncompromising power. Hindi niya suot ang salamin niya ngayon.

I sucked in a breath.

Ang.. gwapo.

Naputol ang pag papantasya ko sa kanya nang makita ko ang pagpulupot ng isang kamay sa braso niya.

Kumunot ang noo ko.

"Cherry," Lensha's voice said.

Five pairs of eyes snapped to our direction. Doon ko palang napansin na naroroon din pala si Nerwis na biglang napangisi nang makita ako. Samantala, nanlaki naman ang mga mata ni DLC sa gulat. Diretso lang iyong titig niya sa 'kin.

Medyo nailang tuloy ako.

"What?" Walang interes na wika nung Cherry. Napatingin siya sa direksyon ko at pinasadahan ako ng tingin mula paa hanggang mukha. Umangat ang isa niyang kilay.

For some reason, nakaramdam ako ng pagkainis.

Iyong tingin niya kasi, parang mapanghusga.

"Can you and Heaven switch seats?" Sabi ni Lensha.

Humalukipkip si Cherry. "And why would I do that?"

"Because it's better for Sandro's girlfriend to sit next to him." Diretsong sabi ni Lensha.

Nakita kong nanlaki iyong mata ni Cherry. Palipat-lipat iyong tingin niya mula kay Lensha, sa 'kin at kay Sandro na tahimik lang at ngayon ay walang emosyon na nakatingin sa 'kin. 

"Are you saying that.. that girl is Sandro's girlfriend?" Turo sa 'kin ni Cherry na parang hindi makapaniwala.

Nagsalubong iyong kilay ko.

Aba. Ano naman kung ako nga iyong girlfriend ni DLC? Nakaka-offend na iyong mga sinasabi ni Cherry ha!

Gusto ko tuloy siyang patulan pero pinigilan ko iyong sarili ko. Mukha pa namang mas bata sa 'kin si Cherry. Siguro college student palang 'to.

Before I Choose (DLC Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon