Chapter 39

12.6K 282 79
                                    

Chapter 39


"You okay, baby?" Hubby asked. "You look tense."

"Malamang! I'll be meeting your whole family. Sino ang hindi matetense doon?" Singhal ko sa kanya.

Instead of getting pissed that I scowled at him, he just chuckled.

"You'll be fine," he said.

"Easy for you to say, you're not on the receiving end," sabi ko bago umirap.

Nang makarating na kami sa isang mansyon―hindi iyon exaggeration. Mansion talaga iyong bahay ng Abuela at Abuelo ni Hubby―ay agad akong kumapit sa braso ni Hubby.

I kept running my hands along my dress, removing its non-existing creases. Kanina ko pa din chinecheck iyong buhok at make up ko kahit wala naman akong ginagawa para magulo iyon. Gano'n ako ka-tense.

"Don't worry baby, they don't bite," he said, his fingers drawing circles against my waist. He leaned against my ear. "Only I do," he continued, biting my ear.

He copied my line nung ipapakilala ko siya sa kanila Kuya at Mama sa graduation namin!

Nang makapasok na kami sa mansyon, mas lalo lamang bumilis iyong tibok ng puso ko.

Shit.

Eto na talaga.

Makikilala na nila ako bilang girlfriend ni Hubby.

His arm remained wrapped on my waist. Una naming nakita ang dalawang lalaki na nag-uusap. Iyong isa sobrang kahawig ni Hubby tapos iyong isa naman ay tama lang. Parehas sila mukhang mas bata ng ilang taon sa 'min.

"Vlad, Khail," Hubby said. Both of them snapped their attention to our direction. Agad na umangat ang kilay nung lalaking sobrang hawig ni Hubby tapos iyong isa naman ay napangisi ng malaki.

Alam ko ang pangalan ng mga kapatid niya pero hindi ko alam kung ano ang hitsura nila kaya parang first impression ko narin 'to sa kanila.

"This is Heaven, my girlfriend," pagpapatuloy ni Hubby.

I shyly waved my hand before giving them a smile. "Hello."

"Vladimir," sabi nung kamukhang-kamukha ni Hubby. He extended his hand towards my direction. "Nice to finally meet you, Heaven."

Agad naman akong nakipag-kamayan sa kanya. Para talaga siyang younger version ni Hubby. Maliban sa magkamukha sila ay pakiramdam ko ay magkaugali din sila. Parang hindi masyadong talkative 'tong si Vladimir eh.

Sunod naman na nakipagpakamay sa 'kin ay si Khail.

Pakiramdam ko tuloy ay running for Mayor ako.

"Heard a lot about you, sister-in-law," sabi ni Khail na nagpainit ng pisngi ko. Ang advance naman nito mag-isip! "Buti nagawa mong palambutin ang puso nito ni Sandro. Akala ko nga ay libro ang mga magiging asawa niya tapos sa library naman ang honeymoon nila," he continued, laughing.

"Shut up," supladong wika ni Hubby bago ako inilapit sa kanya.

"Sus, nahiya pa," mapang-asar na wika ni Khail.

"Sandro's right, Khail. Shut up," singit ni Vladimir.

Khail wrinkled his nose. "Porke't may mga girlfriend na kayo aawayin niyo ako ng ganito! Pag-nakipag break ang mga 'yan sainyo, walang hihingi ng tulong sa 'kin ah kasi sabi niyo shut up lang ako."

Vladimir rolled his eyes. "Instead of being bitter about it, why don't you go find your own girlfriend?"

"Tama si Kuya Vlad," biglang singit ng isang babaeng mukhang younger version ni Mrs. de la Cerda. Napatingin ito sa 'kin bago ngumiti. "Hello po, ikaw po siguro iyong girlfriend ni Kuya Sandro. Ako po pala si Charity."

Before I Choose (DLC Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon