Chapter 10

10.2K 393 144
                                    

Chapter 10


"What the fuck, totoo ba 'tong nakikita ko?"

Napalingon ako at nakita si Nerwis na nakangisi habang sinisilip ang papel ni DLC. Sunod namang sumilip si Valencianne at nakita ko ang panandaliang pamimilog ng kanyang mga mata. Dala ng kuryosidad, nilapitan ko sila at sinilip rin ang papel ni DLC.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang score ni DLC.

94/100

Bahagyang napaawang iyong labi ko habang nakatingin sakanya. Napabuntong hininga naman siya bago itago iyong test paper niya. 

Isang linggo na kasi ang nakalipas mula nung mag-quiz kami at ngayon lang binalik saamin ni Atty. 'yung test papers namin.

"What happened to Mr. Always Perfect?" Natatawang tanong ni Nerwis. "From 100 to 94 real quick."

"Fuck you." Mura ni DLC.

"Distracted kasi habang nag-qquiz," mapang-asar na wika ni Nerwis, not minding DLC's glares.

Napakurap naman ako bago sinilip iyong sarili kong papel.

95/100

Binalik ko 'yung tingin ko kay DLC at napansing nakatingin na rin siya saakin. I bit my lower lip to prevent myself from smiling widely. I forced myself to act calm. 

"Paano ba 'yan, DLC," I said, grinning. "Tuloy ang date natin."

"Date? What date?" Takang tanong ni Nerwis.

"We made a deal. Pag mas mataas ako kay DLC, mag dadate kami. Pag mas mataas siya, I'll have to forgive him." I answered.

Nerwis' forehead creased. "Bakit parang pabor naman sa'yo kung manalo ka man o matalo?"

I just shrugged and returned my attention to DLC. 

"You, me, Saturday, 11AM." I said before pointing at him and me, respectively. "Pick me up at quarter to 11, I'll send you my address."

He frowned. "Why do I need to pick you up?"

"Duh? Date nga 'di ba," akmang magsasalita siya nang unahan ko siya. "No buts! See you Saturday, DLC!" I said, sending him a flying kiss before quickly leaving. Baka kasi mag-bago iyong isip o kaya magreklamo kaya umalis na ako kaagad.


"Saan na ba 'yun?" Inis kong bulong sa sarili ko. 

Ang sabi ko, sunduin niya ako nang quarter to 11. Mag-tutwelve na at wala parin siya dito. Isang oras na ako naghihintay sa labas ng condo at kanina ko parin siya finoflood ng mga chat sa Messenger. Hindi naman siya online pero nakita kong nag-dedeliver 'yung mga messages ko.

Wait.. don't tell me he's planning to stand me up?!

Ang tagal ko pa naman nag-prepare para sa date na 'to. Nagsuot pa nga ako ng push up bra para mas lalong magmukhang yummy 'yong boobs ko. Hindi naman ako flat pero hindi naman gano'n kalaki boobs ko. Tama lang para sa edad ko na twenty-years-old. Simple lang naman iyong suot ko. Fitted cropped top tsaka high waisted pants tapos sneakers lang. Tapos iyong buhok ko tinali ko lang. Pero kahit na! Nag-ayos ako para dito so dapat sumulpot siya!

Akmang tatawagan ko sana ulit siya sa Messenger nang tumigil sa harap ko ang isang dark blue na BMW. Kitang-kita ko mula sa repleksyon ng kotse ang pagkakunot ng noo ko. 

Biglang bumukas iyong driver's seat at lumabas ang taong kanina ko pang inaasahan.

I let my eyes roam his face and his body. He was only wearing a plain white shirt and a pair of dark pants but it didn't lessen his appeal. I was so used to seeing him in our school uniform that seeing him now wearing such a casual clothing caught me off guard.

Before I Choose (DLC Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon