Chapter 2

400 26 3
                                    

Amelia Martini



Nawala ang ngiti ko nang makita ko ang matalim na tingin sa akin ni Kuya. Joke lang naman iyon. Hindi ko alam kung saan ang joke sa sinabi ko, pero sinakyan ko lang naman ang biro ni Blake.

"Taray! Ang lakas ng loob, ah! Narinig ko narin iyan noon." Dana butted in.

Mukhang napansin naman ni Dana ang pagseryoso at pananahimik ni Kuya sa gilid. Pati si Amara ay pabalik balik ang tingin sa amin ni Kuya. My brother doesn't like talking about a certain someone from the past, even when I am clearly past him. Minsan binibiro ko nga siya, kung siya ba ang hiniwalayan dahil sa tagal niyang mag move-on pero sinungitan niya lang ako.

"Guys, you know what?" Amara hugged my brother's arm, calming him down. "Let's all take our seat, sayang naman ang hinandang dessert ni Dana."

"Ayun! Iyon talaga ang pinunta ko dito!" hinaplos haplos ni Raf ang kanyang tiyan bago nagtungo pabalik sa inuupuan niya.

Nawala naman na ang inis sa mukha ni Kuya nang muli ko siyang tiningnan. Kinindatan ako ni Amara na ibig sabihin ay siya na ang bahala kay Kuya.

"What's for dessert?"

"Ilabas mo na iyan!"

Parang bata na saad ni John Andrew at Raf. Kung sino pa ang pinakabata at pinakamatanda sa amin, sila pa ang mas magkapareho. When Raf and I became friends, he also became friends with my friends including John Andrew who stood with us all these years. Simula nang maging kapitbahay namin siya sa condo, naging suki narin siya sa unit namin hanggang sa nakasanayan na namin ang presensya niya.

John Andrew finished his Doctorate Degree and is now teaching in college. Doon parin siya nakatira sa condo pero palaging tumatambay sa bahay ni Kuya o minsan nakakaladkad ni Blake sa inuman.

"Here it is, boys!" lumabas si Dana mula sa kusina na may bitbit na pagkain.

Nilapag niya iyon sa lamesa na may malaking ngiti. "Coffee Leche Flan."

Bumagsak ang mga balikat ni Raf at John Andrew dahil kahit mahilig sila sa matamis, hindi sila ganoon katapang pagdating sa kahit anong may caffeeine. Walang pagdadalawang isip namang kumuha ng maliit na piraso si Kuya at Blake para tikman iyon. Kahit ako ay napatikim narin.

"As always, you make the best leche flan, baby." masuyong hinalikan ni Blake si Dana sa pisngi.

Namumulang umiiling si Dana na tumabi sa boyfriend niya. "Hindi mo na ako kailangang bolahin, papakasalan na kita, remember?"

"Masarap naman talaga, diba?"

Mabilis na tumango si Kuya. "I like it, especially now that you added coffee on it. Para narin hindi ako makatulog agad mamaya."

"Why is there resentment in your voice, honey?" babalang tanong ng Misis niya sa kanya.

Naku, malamang ay magbabangayan na naman ang dalawang iyan. Nasanay na ata kaming lahat lalo pa ngayon na buntis si Amara. Domoble ata ang pagiging ander ni Kuya sa kanya pero hindi naman kami pumipigil sa kadahilanang nag-eenjoy din kaming makita si Kuya na tumitiklop. Kadalasan kasi si Kuya ang nagiging leader ng grupo namin, siya ang may huling saad sa mga desisyun namin. We look up to him and he has the tendency to take things more seriously than the rest of us. It's nice to see him follow Amara like a puppy.

Maya maya ay okay na ulit sila at si Amara pa mismo ang nagsusubo kay Kuya. I simply rolled my eyes while looking at them.

Naramdaman ko naman ang mahinang pagtabig sa akin ni Raf na nasa tabi ko lang. "Hey, you jealous?"

One Step Closer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon