Chapter 25

393 14 10
                                    

Amelia Martini

MALAYO ang tanaw ko habang nakapangalumbaba sa mahabang sofa dito sa aming sala. Tagaktak ang pawis ko dahil sa pagpaypay ko sa kakainin naming barbeque. Mabuti na lang at dumating na sina Kuya at Amara at may pumalit na sa pwesto ko. Ang init init ba naman kasi sa labas, tirik na tirik ang araw at idagdag pa ang usok mula sa nilulutong pagkain.

Itinaas ko sa upuan ang nangagalay kong mga paa atsaka minasahe iyon. Ensakto namang tumunog ang aking telepono at kahit hindi ko pa tingnan, alam ko na kung sino ang tumatawag doon.

Awtomatiko akong napangiti nang makita ko ang pangalan ni Blaine na nakarehistro sa aking phone screen. I swiped right immediately to answer his call. I put it on loudspeaker while I comfortably lay flat on the sofa.

'Hey, baby? Nandiyan na ba sila?'

"Yes, kanina pa sina Mommy dito. Kararating lang nina Kuya." tumingin ako sa paligid upang masigurado na walang nakikinig. "Ikaw? Nasaan ka na ba?"

'I am on my way. I just had to buy something first.'

"Okay, ingat ka! Huwag kang magmamaneho habang nagda-drive ha?" paalala ko sa kanya.

'Of course, baby.' tumigil siya saglit bago muling nagpatuloy. 'Are you sure your Kuya is fine with me there?'

Napakagat ako ng labi tsaka ko nilagay sa aking tenga ang aking telepono. "Actually, no one knows that you are coming here today."

Ilang linggo na ang lumipas simula noong ikinasal si Dana at Blake at ilang linggo na rin naming pinagplanuhan ang pakikipag-usap ni Blaine kina Mommy at Daddy. I still haven't talked to Kuya about Blaine and I was seriously expecting a series of questions from him after Dana's wedding but I didnt hear a word from him. Normal lang ang lahat at kahit na name-mention ko si Blaine sa mga usapan ay wala siyang kare-reaksyon. Hindi ko tuloy alam minsan kung okay lang ba sa kanya na nagkabalikan na kami o hindi pa.

Muli kong binalik ang atensyon ko kay Blaine nang hindi pa rin siya magsalita. "Baby, okay ka lang?"

'Yes,  of course. Just a little nervous.' saad niya na may halong tawa at kaba. ' I was kinda hoping that I would only deal with your parents today. But it's alright, nothing's going to change kahit ano pa ang sasabihin nila mamaya.'

Napahinga ako ng malalim. Akala ko kasi magagalit siya pero tama din naman siya. Hindi kami haharap sa magulang ko para humingi ng permiso, gusto ko lang pormal na ipakilala ulit si Blaine sa kanila. Tanggapin man nila o hindi, wala pa ring magbabago. My mind's fixed already and I am staying with this man no matter what.

"Huwag kang kabahan, nandito naman ako. It'll  be just like before. Remember?" pangungumbinsi ko sa kanya kahit pa pati ako ay kabado rin. "They will treat you just fine."

'I know, baby. It's just that, things are different this time. I know how much pain I have caused to their daughter. Kahit paano ay may atraso pa din ako sa kanila.'

"Blaine, napag-usapan na natin to." I breathe out a puff of air as I sat straight to straightened my thoughts as well. "Maayos na tayo at ang mahalaga ay makita nila Mommy iyon."

'What if they wouldn't allow our relationship?'

Napailing ako sa tinuran niya. "Hindi ganoon ka close minded ang mga magulang ko, Blaine. They love me-"

'And I love you too.'

"At mahal rin kita." sagot ko na may ngiti sa labi. "Relax ka lang, They know what is best for me and they wont deprive me of that happiness. And you know what is my happiness."

One Step Closer (COMPLETED)Where stories live. Discover now