Chapter 7

416 23 19
                                    

Amelia Martini

DAIG ko pa ang nalunok ang sarili kong dila sa sinabi ng bata. Marunong akong tumanggap ng compliment pero sa mga panahong ganito, ni hindi ko malaman kung ngingiti ba ako o hindi.

Nakataas parin ang hinututuro ni Adam at nakaturo sa mukha ko habang pareho kaming tatlo na walang kaimik imik dito sa gilid.

"Uncle, what's her name?" Sa wakas ay binaba na ni Adam ang kanyang kamay at kumapit sa leeg ni Blaine.

Ngayon ay tumingin na ako ng diretso sa mga mata ni Blaine. Pareho kaming naghihintay ni Dana sa isasagot niya. Alam kong ang dali lang naman ng tanong ng bata pero kahit ako ay hindi ko magawang sagutin iyon. May kakaibang parte ng isip ko na nagtutulak sa akin na hintaying si Blaine mismo ang sumagot sa tanong ng pamangkin niya.

Pumagitna sa amin si Dana para kunin sana si Adam mula kay Blaine pero pinigilan siya nito. "Don't bother.Your dress might be ruined."

"Okay lang, I'll bring him to the restroom."

"Huwag." Ngayon ay ako naman ang pumigil sa kanya. Hinawakan ko siya ng medyo may diin sa balikat para maintindihan niya ang pinapahiwatig ko.

What does she mean with that? Is she going to take Adam alone with her? At maiiwan kaming dalawa ni Blaine dito? Hindi pwede.

"Bakit? It's totally fine with me. Pwede naman akong magpalit sa itaas if ever." tila naguguluhang sagot ni Dana pero sa huli ay mukhang nagets naman niya ang mga mata ko. "Oh, right. Why don't you come with me, Adam?"

Mas humigpit ang hawak ng bata kay Blaine at umiling iling ito kay Dana. "I dont want to. I want my Uncle with me."

"Then let's take Uncle Blaine with us, shall we?" Dana extended her right arm and pointed at the restroom. "It's not that far."

Pero umiling muli si Adam at tumingin ulit sa direksyon ko. Heto na naman at ako na naman ang tinuro ng bata. Bakit ba ako? Pwede namang si Dana na lang. Mahilig ako sa bata, oo pero hindi ako mahilig sa Tito niya.

"Can she take me to the comfort room, Uncle?"

"I don't know, why dont you ask her?" sagot ni Blaine pero nasa akin ang mga mata niya.

Agad akong napaiwas doon at wala sa sariling napapahid sa noo ko. Malamig naman sana dito pero pabigla bigla akong pinapawisan. Kung bakit naman kasi ako ang napagdidisktihan ng batang to? Mukhang nagmanata ata kay Blake sa kakulitan. Isa pa, I dont like being this close with Blaine. It feels so wrong and inappropriate.

"Can you take me to the restroom-" lumingon si Adam sa Uncle niya. "What's her name again, Uncle?"

"My name's-"

"Amelia. Her name is Amelia." pagpuputol ni Blaine sa isasagot ko.

At this point, I wanted to run and lock myself alone in a room where no one could hear me scream. Mixed emotions are boiling inside me and I could burst any moment now. I hate the fact that he calls me the same way and I hate the fact that it sounds different with his voice.

Tinaas ko ang dalawa kong balikat para kunin si Adam pero pumigil ulit si Blaine. "I'll carry him there."

"Hindi. Ako na, kaya ko naman."

"I insist." he said through gritted teeth. "Mabigat si Adam."

"Bakit? Sa tingin mo hindi ko kaya?" sagot ko habang nakataas parin ang mga kamay.

"Ah-eh, ang mabuti pa kami nalang ni Amy ang sasama kay Adam sa C.R. What do you think, Adam? Is that fine with you?"

"It's okay." masunuring tango ng bata. "You can go now, Uncle. I have Auntie Amelia and Dana with me. I will be fine."

One Step Closer (COMPLETED)Where stories live. Discover now