Chapter 8

403 25 34
                                    

This chapter goes to the following persons who inspire me the most;

alysungsung
mich2485
rhaine1689
KennethPaulDelis

Ilyall 🤗
_____________________

Amelia Martini

How can someone act their age when their emotions overpower their decisions? Isa iyon sa mga tanong na gustong gusto kong i-google nang madalian. I have been looking forward for his night but every minute passing is another prayer from me hoping tonight would play faster.

Ang ikasal si Dana at samahan siya sa pagplano ang isa sa mga bagay na nakalista sa bucket list ko noon. Pero mukhang gusto ko nang umatras ngayon palang dahil sa dami ng mga bumabagabad sa damdamin ko. I want to properly handle the situation by being mature about it but how can I pretend nothing happened when my Brother is constantly reminding me of what Blaine did.

Ang tanging kagustuhan ko lang naman ay isantabi ang nakaraan namin alang alang sa kasal ni Dana at ni Blake kahit na kailangan kong makipag-plastikan pero sa tuwing titingnan ko si Kuya, pinapaalala niya na hindi dapat akong lumapit kay Blaine. Like how is that even possible, gusto niya bang maglagay ako ng barrier sa araw mismo ng kasal?

We are both chosen to be the allies of the groom and bride but how can that happen if we are restricted by our past. I used to imagine this day would come where we'll meet each other againd and I can finally smile at him without any resentment. Pero mukhang magkaibang magkaiba nga talaga ang realidad at expectations natin sa buhay. Kahit pagtitig man lang sa mga mata niya ay hindi ko magawa, pagngiti pa kaya?

Akala ko sapat na ang pitong taong lumipas para maibaon ko sa limot lahat ng sakit pero habang tumatagal kami sa iisang silid, mas nadadagdagan ang mga katanungang gusto kong ibato sa kanya. Mas lumalakas ang bulong bulungan sa aking isip na kausapin siya sa tuwing napapansin ko kung paano siya umakto na parang wala lang. Na para bang hindi niya ako nakikita, na hindi niya ako kilala at parang hindi niya naalala na ako si Amelia.

If only its the appropriate time and situation wise, hinarap ko na siya. I want to ask him how he manages to act cool and normal while I am running out of ideas inside my mind to make excuses why I shouldnt be thinking about him. Was it just me? Was it just me who took that relationship seriously? Ako lang ba ang hanggang ngayon ay may mga katanungang naiwan sa ere?

Hindi ko alam kung anong pinuputok ng butsi ko. Ang pagkikita namin ngayon o ang katotohang maaring wala na sa kanya ang ginawa niya noon. Imposible, the same eyes who looked at me with love and adoration shouldnt just forget everything easily. It took me years not to cry over a picture of him and I am still not over him unless he gives me a valid answer why he thinks leaving me is the final option he had.

My head is hurting. I want to go home and leave everyone early but I want to prove that I can act as cool and normal as him. Gusto kong panindigan na kaya kong kumilos kahit na nandito siya dahil kung hindi ko kakayanin, mas lalong mahihirapan ako sa mga susunod na araw.

I unconsciously massaged my head while siipping my tea. Hindi parin matapos tapos ang usapang kasalan kaya lumipat na kami dito sa sala pagkatapos ng dessert. We are all having tea while Adam is enjoying his Mango shake by the side.

"So, it's settled na right, iha?" Tanong ni Tita Alyana patungkol sa venue ng kasal ng reception. "Are you sure this is what the both of you want?"

"Yes, Mommy. Napag-usapan na namin ni Blake ang tungkol dito. We want a simple and intimate wedding. A hundred guests would be enough."

"Oo nga po, Tita. Iyong mga malalapit lang po sana sa amin ang gusto naming imbitahan sa kasal." Blake added.

One Step Closer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon