Chapter 20

350 27 13
                                    

Amelia Martini

DINALA ko si Jasmine sa ikalawang palapag ng bahay. Dumiretso kami ng pasok sa isa sa mga guest room na nandito. Hindi ko na hinintay na maisara pa ng maayos ang pinto dahil ramdam kong may kailangan akong malaman.

Tahimik lang si Jasmine simula nang umakyat kami dito, hawak hawak niya pa rin ang kanyang telepono. Pati ako ay napapatingin din doon dahil alam ko kung sinong hinihintay niyang tumawag.

Pagkapasok namin sa silid ay agad ko siyang hinarap. "Jasmine, tell me what I should know."

Bumuntong hininga siya at naglakad upang maupo sa dulo ng kama. "I knew you and Kuya talked aready, what exactly did the both of you talked about?"

"Kinausap niya ako tungkol sa nararamdaman niya. Sinabi niya rin na nagsisisi siyang iniwan niya ako dito at hanggang ngayon umaasa pa rin siyang maibabalik namin ang dati."

"And?" she asked with a hanging tone.

"And I told him I cant. Hindi ko kayang tanggapin ulit si Blaine nang gabing iyon, Jasmine. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari. One moment he was aplogizing, I was screaming and crying and the next thing I knew, he was already asking me back in his life. Sa sobrang bilis ay naging padalos-dalos ang mga salitang nabitawan ko." mahinahon kong sagot sa kabila ng kaba na aking nararamdaman.

"When he told you his regrets, did he tell you the reason why it took him seven years to have the courage to talk to you?"

Hindi siguradong umiling ako. Gumugulo na ang utak ko at kahit ang mga pangyayari sa huli naming pag-uusap ay nahihirapan na akong alahanin. Tanging mukha ni Blaine ang tumatak sa isipan ko at ang pagnanais na makita siya ulit.

"Wala siyang sinabing dahilan, bakit?" nag-angat ng tingin sa akin si Jasmine at nahuli ko ang pagka-aligaga ng kanyang mga mata, senyales na may gusto siyang sabihin na hindi niya mailabas. "Jasmine, anong ibig sabihin ng tanong mo? Anong naging dahilan ni Blaine kung bakit ngayon lang siya bumalik?"

"No, this isn't the first time after seven years for him to fly back here in the Philippines. Taon taon siyang umuuwi dito ng patago."

Tumango ako dahil naalala ko nga na sinabi niya iyon. "He told me that already. Ang gusto kong malaman ay kung bakit sa lahat ng pagkakataon, bakit ngayon pa niya sinabi na mahal pa rin niya ako?"

Hindi mapakaling tumayo si Jasmine mula sa pagkakaupo. Parito't paroon siya sa harap ko. Halata ang kaba sa mukha niya dahil pati mga kamay niya ay hindi magkamayaw. Pagkatapos ang ilang sandali ay muli niyang sinulyapan ang kanyang telepono saka siya bumuntong hininga.

Bumalik siya sa pagkakaupo. "I know I shouldnt tell you this because I promised Kuya not to but I cant afford to see him hurting again."

Kinuha ko ang kamay niya at pinisil iyon. Ginawa ko iyon para pakalmahin siya pero tila ba pati ako ay naghahanap ng pampakalma kaya sa kamay niya ako kumapit.

"Jasmine, it's alright. I will understand whatever I am about to hear." I assured her as I smiled faintly at her.

She gave me a soft smile as she nod her head. "I can still remember the day I first met Kuya Blaine. I didnt recognized him at first because all I had was his baby pictures which our father kept for a long time. He came on our front door with sadness in his eyes. Alam kong malungkot siya dahil hindi niya nakita ulit si Daddy pero dumaan ang mga araw at buwan, there's still sadness in his eyes. He told me about you, he told me how much he misses you each day and how much he longs to see you and hug you."

Unti unti naninikip ang dibdib ko sa alalaang ganoon din ang nararamdaman ko nang umalis si Blaine. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Jasmine habang pinipigilan ko ang aking damdamin.

One Step Closer (COMPLETED)Where stories live. Discover now