Chapter 13

381 20 16
                                    

Amelia Martini

NASA kaligtnaan ako ng paghahanap ng mga maaaring scholarship para sa kukunin kong Masters degree nang biglang tumunog ang telepono ko.

Hindi ko sana iyon sasagutin pero nang sumulyap ako doon, pangalan ni Raf ang naka-display sa phone screen ko. Mabilis kong sinagot agad iyon. Minsan lang kaya mangyari na siya mismo ang tumatawag.

"Hey, kamusta ka na?" pambungan ko kay Raf at ipinagpatuloy ang pagtitingin ko sa mga google results.

'Not that much. Are you busy?'

Kung ang ibig sabihin ng busy ay ang walang katapusang paghilata dito sa kama ko then maybe, I am busy. "Hindi naman, just looking for some things over the internet."

'Labas tayo.' bigla niyang sagot.

Napatingin agad ako sa oras. Mag-aalas dose na ng hatinggabi kaya hindi ba't late na masyado para ayain ako ng isang to na lumabas. "Sure ka? Almost midnight na, ah."

'You can say no if you dont want to.'

Hala, nagtampo naman agad. Mabilis kong isinara ang mga naka open kong tab sa browser. "Eto naman, I was just wondering why you are asking me out at this hour. Hindi ba't busy ka?"

'I just need someone to talk to.' nagiba ang boses nito at ramdam ko agad na may importante nga siyang sasabihin. 'Can I atleast come over?'

"Of course!" I answered quickly. "But can you drive all the way here? Okay lang naman kung ako na lang ang pupunta diyan."

'No, its fine. Ako ang pupunta diyan.'

"Sige, I'll see you. What do you want to eat?"

'Don't bother, I'll bring some.'

Tumango tango ako. "Okay, Ingat ka. See you!" I did my best to sound enthusiastic despite his lowly energy.

'Yes, I will see you.'

Siya na din mismo ang pumatay ng tawag. Kahit na hindi na kami nag-uusap, ramdam ko pa rin ang panghihina ng boses ni Raf. Sanay naman ako sa monotone niyang pananalita pero kakaiba ngayon, masyadong malungkot ang boses niya kaya mahirap para sa akin na hindi mapansin iyon.

Bumangon ako mula sa pagkakadapa ko sa kama ko. Naalala ko na medyo magulo pala ang sala ko dahil hindi ako nakapaglinis kanina. Masyado kasi akong napagod kahapon pagkagaling ko sa fitting ng damit, diretso tulog na ako kahit pa alas siyete pa ng gabi nang dumating ako.

Inayos ko muna ang kama ko kasunod noon ay ang kama sa kabilang silid. Walang sinabi si Raf na dito siya matutulog pero mukhang ganoon na din iyon dahil siguradong umaga na kung aalis siya dito.

I also cleaned my living room a bit. Tinanggal at tinapon ko ang iilang mga pakete ng kinain kong chichirya kanina nang mag movie marathon ako mag-isa. Nagtimpla na rin ako ng juice habang naghihintay. I cant make coffee because Raf doesnt drink one at ayaw ko rin na maiwang gising hanggang mamayang umaga.

Nilapag ko ang isang pitsel ng juice at dalawang baso sa center table. Nagpapagpag ako ng mga throw pillow nang marinig ko ang pag- doorbell ni Raf mula sa gate mismo.

I hurried my way outside. Sumalubong sa akin ang nakakasilaw na liwanag mula sa kotse ni Raf at agad kong binuksan ang gate para makapag- park siya sa loob.

Hinintay kong bumaba siya ng kotse habang nanatili akong nakatayo sa tabi ng pintuan.

"Hey!" I smiled at him as I immediately noticed his frown. "Pasok ka."

Nakasuot na rin siya ng pambahay kagaya ko pero maayos pa ang ayos niya kumpara sa akin. Gusot gusot na ang malaking tshirt kong pantulog at hindi narin magkamayaw sa gulo ang buhok kong nakaipit.

One Step Closer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon