Chapter 9

352 23 21
                                    

Amelia Martini

"BABAE mong kaibigan."pagdugtong ko sa pagbibiro niya. "Seryoso kasi ako Raf, bakit ka ba ganiyan?"

Binalik niya ulit ang tingin niya sa pinagkakabalahan niya ay inis na minasahe ang mukha  "Seryoso din ako."

"Bahala ka nga sa buhay mo. Kung ayaw mong makipag-usap ng maayos, huwag." padabog kong kinuha ang nakapatong kong bag sa kanyang mesa.

Walang pagdadalawang isip akong tumalikod mula sa kanya at nagsimulang maglakad paalis. "I'll see you once you get back to your senses."

Hindi naman ako nag-iinarte at hindi din ako nagde-demand ng mahabang oras mula kay Raf. Sadyang ramdam ko na may tinatago siya at isa iyon sa mga dahilan kung bakit ayaw niya akong kausapin. Madali kong mabasa ang galaw at ang pagbabago ng mukha niya, kaya siguro niya ako iniiwasan. And that is not what friends do!

Pwede naman niya akong kausapin ng maayos dahio alam kong may kinalaman ako sa problema niya pero hindi sa ganitong paraan na dinadaan niya ako sa pagsusungit at pandededma niya. Babalik ulit ako dito kapag maayos na ang pag-iisip niya dahil wala akong planong sabayan siya lalo pa't totoong marami pa siyang ginagawa.

Nakarinig ako ng pagtunog ng isang bagay mula sa aking likuran at kasunod noon ay ang mabibigat na yapak ni Raf. Gayunpaman, pinagpatuloy ko parin ang paglalakad ko.

Before I could reach and hold the door handle, Raf's hand held it first. I can already sense him behind me. Hindi ako nagsalita, bagkus ay pinagkrus ko lang ang mga braso ko habang hinihintay siyang umimik.

Bumaba ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa pinto at naglabas ng malalim na hininga. "Don't leave. Makikipag-usap na ako ng maayos."

Tumingala ako sa kanya. "Are you sure? I can go back here when you're not too occupied."

"Just sit, Amy." umalis na siya sa gilid ko at naglakad pabalik sa mesa niya.

"Sigurado ka?I dont want to add up to your stress. Just text me when you are ready to talk."

"Amy, are you messing with me?" pabigla bigla siyang humarap sa akin. "I told you It's fine. Just sit and don't leave yet."

Pagkatapos kong basahin ang mukha niya kung nagsasabi nga ba siya ng totoo, ako naman ang bumuntung hininga at naglakad palapit sa kanya.

"Thanks."maikli kong tugon.

We both returned to our old positions. But this time, sinara na muna niya ang laptop niya at tinabi ang mga nakalatag na mga papeles. Talagang ako na ang hinarap niya.

"Uhmm." I tapped my lips with my fingers. "How are you?"

Raf chuckled a bit and finally, I saw him smile again! "How are you? Really?"

"Why? What's wrong with my question? Gusto ko lang kamustahin ang bestfriend ko."

"Fine. " he loosened his tie and relaxed a bit more. "Your bestfriend is tired and very very very busy."

Bakit parang pinagdidiinan niya talaga na busy siya? "Are you implying that I should just leave?"

Umiling siya. "I am very very very busy but I can make time for the most important woman in my life."

Napangiti narin ako doon. "Iyan! Iyan ang rason kung bakit ikaw ang bestfriend ko!"

"Because I make you smile?"

"That and because I like seeing you smile too." luminga linga ako sa paligid. "So, ano nga? Kamusta ka na? You are so hard to reach the past few days?"

One Step Closer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon