Chapter 5

447 24 40
                                    

Amelia Martini


MAGKASUNOD na katok ang ginawa ko para tawagin si Dana mula sa kanyang walk in closet. Mag dadalawang oras na simula nang maisipan niyang mag-ayos pero hanggang ngayon mukhang hindi pa siya tapos.

Dinikit ko ang tenga ko sa pinto. "Dana, matagal ka pa ba?"

"Almost done, pumasok ka kaya. Hindi naman naka lock iyan!"

Eto na nga ba sinasabi ko. Ayaw kong pumasok dahil mas lalo kaming matatagalan. Kahit ilang beses ko pang sabihin sa kanya na maganda na ang suot niya, gagawa at gagawa parin siya ng paraan para magsukat ng panibagong damit. We've been in this situation so many times before and knowing my bestfriend, she wont allow a simple dress fora special occassion.

"Hey, asan ka ba?" sa dami ba naman ng kanto at kabinet nitong closet niya, minsan nahihirapan akong hanapin siya.

"I am here in front of my mirror."

Ilang hakbang pa ang nilakad ko hanggang sa marating ko ang dulo ng silid. Nandoon siya at nakaharap sa kanyang full length mirror at nagsusuot ng hikaw.

She smiled at me through the reflection. "Okay na ba itong suot ko?"

Tiningnan ko siya ng maigi. Kagaya ng dati, kahit ano pamang suotin ni Dana babagay naman sa kanya. She's wearing this light yellow maxi dress that cuts right above her ankle. Simple lang pero halata ang glow niya doon.

"You look gorgeous as always."

"Thanks, ikaw din." pinasadahan niya rin ako ng tingin. "But, hindi mo ba talaga susuotin ang hinanda kong dress para sa iyo?"

I lookes at myself. Naka white wide leg pants ako atsaka itim na fitted spaghetti strap crop top. "Huwag na, I am fine with what I am wearing. Bakit? Panget ba?"

"Of course you are pretty, we are friends kaya."

"Prerty ako kasi magkaibigan tayo?"

She rolled her eyes at me. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. You look beautiful whatever you are wearing naman but I know the dress I bought would look good on you too."

I flinched my nose. "I'll wear it next time. Baka kapag suotin ko iyon, matalbugan kita." pagbibiro ko.

Natawa naman si Dana doon at humarap na sa akin. "Okay lang, I know I am the prettiest when it comes to my babe's eyes."

"Oo na, oo na. Ikaw na maganda at ikaw na may babe. Bilisan mo na diyan at mukhang nasa baba na sila."

"Yes, dear Amy. I am almost done." sinuot na niya ang kanyang sapatos at may pinuntahan sa gilid. "One more thing."

She sprayed her favorite scent all over her body and sprayed some for me too. Habang ginagawa namin iyon, I cant help but look back. Noon, Dana and I used to this. We would dress up and wont even go out. Siya pa ang namimili ng susuotin ko sa tuwing may date ako and now, she's getting married.

"Hey, why are you suddenly quiet?" puna niya sa akin. "Is there something wrong?"

Umiling-iling ako. "Wala, na realize ko lang na ikakasal ka na. Hindi na tayo pwedeng lumabas ng basta basta. I cant come here whenever I need help and advices."

"Kailangan mo ba iyon? I know you, Amy. You are smart enough to decide on your own but nothing to worry about, kahit anong oras bukas ang bahay namin ni Blake para sa iyo. Mas dadalas ang bisita mo sa amin dahil ikaw ang magiging favorite Tita ng baby girl ko."

"Sige na nga." inangkla ko ang kamay ko sa braso niya. "Baba na tayo dahil baka naiinip na ang fiance mo."

Ensaktong pagkalabas namin ng kwarto ni Amy ay siya ring paglabas ng parents niya. Naka-ayos na si Tito Miguel at Tita Alyana. Muntik na ngang magkaroon ng crying session ang mag-ina nang titigan ng mabuti ni Tita si Dana. Mabuti nalang at naawat namin sila ni Tito Miguel.

One Step Closer (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara