Chapter 4

361 19 2
                                    

Amelia Martini

HALOS mapudpud na ang daliri ko kakapindot sa doorbell dito sa bahay ni Blake. Kapag talaga wala sila dito, hindi ko tatantanan si Raf para sunduin ako dito. Kapag nagkataon, sasama na talaga ako sa kanila ni John Andrew.

Magli-limang minuto na ako dito sa labas, malapit na akong maubos ng mga lamok, mabuti nalang at may ilaw mula sa poste dahil magmumukha akong magnanakaw na nag-aabang lang. Sigurado naman akong may tao sa loob dahil napakaliwanag ng buong bahay, kitang kita ko rin ang sasakyan ni Dana at Blake sa garahe.

Ilang pindot pa ang ginawa ko hanggang sa may magbukas ng main door. Niluwa doon si Dana na nakakunot ang noo, tila inaaninag niya kung sino ako.

"Dana, its me!" winagayway ko pa ang kamay ko kahit pa hindi ako sigurado kung nakikita niya ba ako.

"Amy? Wait a minute." nagmadali siya sa paglalakad hanggang sa mabuksan na nga niya ang gate.

Diretso akong pumasok sa loob bitbit ang iilang mga paper bag mula sa pinamili ko kanina. Ramdam ko namang nakasunod lang siya sa akin.

Ibinaba ko sa sofa ang mga dala ko at hinarap siya. Gulo gulo ang buhok niya nakaipit sa likod. "Bakit ba ang tagal mong magbukas ng gate. Ano bang ginagawa mo?"

"I was-"

"Don't tell me." pag-papahinto ko sa kanya. "Mag family planning naman kayo ni Blake, jusko. Baka paglabas niyan tatlo na iyan."

"OA, Amy ha. I was in the kitchen cooking something kaya hindi ko masyadong narinig ang doorbell. Akala ko rin pinagbuksan ka ni Blake pero mukhang hindi naman."

"Hindi nga, kita mo namang nilamok na ako doon." itinaas ko ang braso kong may iilang tampal.

Tumingin siya sa braso ko at pinagmasdan iyo ."I have an ointment somewhere."

Umalis si Dana at mukhang sa banyo ang punta kaya naupo na muna ako sa sofa nila. Bakit ba kasi dito pa ako dinala ni Raf, bakit hindi nalang sa sariling kong bahay mismo. Alam naman niyang hindi ako komportable kapag natutulog sa ibang kama.

Nagkakamot ako ng braso habang iniisip ang sinabi ni Raf kanina. Alam kong seryoso ang tono at mukha niya kanina pero kahit anong gawin ko, hindi ko kayang tanggapin ang mga pinagsasabi niya.

"Babe, where are you-" nag-angat ako ng tingin kay Blake na nasa kalagitnaan ng hagdan at natigilan nang makita ako. "Amy? Bakit ka nandito?"

"Hindi ko rin alam." Hindi ko maiwasang mainis dahil sa dami ng kagat ng lamok sa braso ko. "Bawal ba ako dito?"

"Hindi naman pero mukhang late na ata."

"Hinatid ako ni Raf dito dahil ayaw niya akong pasamahin sa lakad nila ni John Andrew."

"Ahh. Ganoon ba?" patang tango niyang saad. "Kaya pala wala akong narinig na kotseng dumating."

"Is that all you're going to say? Alam mo ba ang problema ng lalakeng iyon? He doesn't wanna tell me, ayaw niya din akong isama." nakasimangot kong tugon.

Kasi naman, kami nga mag bestfriend at sa loob ng ilang taon naming pagiging magkaibigan, ngayon lang naman niya ako pinagbawalang sumama sa lakad niya. Atsaka, hello? mabait akong kaibigan, nakikinig ako kapag may problema sila. Hindi naman nadadaan ang lahat sa inuman lang.

"I think Raf is right, mas mabuting hindi ka na lang sumama."

"Why? Don't tell me you know his problem too?" napasinghap ako doon."Alam ba ninyong lahat maliban sa akin?"

"Ikaw ba ang buntis? Bakit ang praning mo? Baka may pinagdadaanan lang ang tao at kailangan lang maglasing, bukas okay na iyon."

"So alam mo nga?" ulit kong tanong.

One Step Closer (COMPLETED)Where stories live. Discover now