Epilogue

430 21 10
                                    

Amelia Martini

"Dana, come on!"

Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang sinabi ni Blake ang mga katagang iyon sa araw na ito.

Nakalukot at lugmok na lugmok ang mukha ni Dana nang lumabas siya mula sa bahay ko. We spent the whole day yesterday with just us, with our friends. Sinusulit lang namin ang panahong kompleto pa kami dahil matatagalan pa ang susunod na pagkikita naming lahat. When that time comes, there will be little babies among us.

Hila hila ko ang isang maleta at ganoon din si Rafael. Tinulungan niya akong ilagay iyon sa likuran nang sasakyan nang marinig namin ang muling pangingibabaw ng iyak ni Dana sa paligid.

"Ako na bahala." I told Rafael when I saw him looking at Dana.

Mukha lang tigasin si Rafael pero alam kong malungkot din siya na iwan ang mga kaibigan niya dito. Ako rin naman nalulungkot but I chose to see the positive side of this story. Kung pati ako ay magpapadala sa emosyon ay paniguradong walang makakaalis ngayong araw dahil sasamahan ko lang si Dana na umiyak.

"Babe, come on. Stop crying. Hindi maganda sa bata na lagi kang umiiyak." Blake said comforting Dana and carressing her tummy at the same time.

Malaki na ang tiyan ni Dana at ganoon din si Amara. Hindi ko alam kung dala lang ba ng pagbubuntis niya ang pagiging mas iyakin niya ngayon o sadyang ganoon lang talaga ang lungkot niya. Well, I couldn't blame her, I'll be away from my bestfriend too, hindi ba ako iiyak?

"Blake, ako na bahala diyan." saad ko sa asawa niyang hindi na maka-isip ng paraan para patahimikin si Dana.

"Sigurado ka?Baka mas lalo lang siyang umiyak kung kakausapin mo pa."

"Ano ka ba! Ako nga bahala eh!" tinulak ko siya palayo para iwan na niya kami ni Dana.

"Sige na sige na, please lang Amy, huwag mo na siyang paiyakin pa, ha?" paalala niya sa akin. "Babe, stop crying , okay?"

Parang bata na tumango si Dana habang sumisinghot singhot pa rin. I watched her week for a few seconds before sighing. "Dana, you are making it hard for me and Raf."

Sinamaan niya ako ng tingin. "And you think everything is easy for me? Two of my closest friends are going to be away from me and this is a first for me. I just can't-"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil muli na naman siyang humataw ng iyak. Napakamot tuloy ako sa ulo ko nang lumakas ang hiyaw niya. I stopped patting her back as well because it didn't work. It only made her cry even more.

"Come on, Dana. We are still going to see each other. I can always visit anytime."

"But you are still leaving." sagot niya sa paraang muntik ko na hindi  maintindihan. "I am so sorry, hindi lang ako sanay na malayo ka at hindi ko agad nakikita."

"Ako rin naman. Pero, we can always call anytime. Atsaka isa pa, huwag ka nga umiyak ng ganyan, hindi pa nga tayo nakakarating sa airport. Saka ka na umiyak kapag nakalipad na ang eroplanong sasakyan ko mismo."

Tumango tango siya at namumula na ang ilong kakaiyak. Kagabi pa kasi siya umiiyak. Ngayong umaga lang naging malala dahil halos hindi na siya tumahan.

"Sige na nga. I will try not to cry na but if we get to the airport, I can't promise you anything. Iiyak at iiyak ako doon."

Muli akong natawa at tinapik tapik na lamang siya sa balikat hanggang sa tuluyan na nga siyang tumahan. Namumula pa rin ang mga mata niya at halatang halata ang pagkamugto nito.

Nang masiguradong okay na si Dana at naisakay na lahat ng maleta at gamit, nagtungo na rin kami sa sasakyan.

Gamit namin ang isang puting van na si John Andrew ang magmamaneho. Nasa frontseat si Rafael habang nasa likod naman kaming tatlo ni Dana at Amara. Kuya and Blake are on our back as well.

One Step Closer (COMPLETED)Where stories live. Discover now