Chapter 10

370 20 20
                                    

Amelia Martini

Winisik wisik ko ang mga kamay ko pagkatapos kong maghugas ng kamay at maghilamos narin ng mukha. Wala na akong pakealam kung natanggal man ang make-up ko. Iyon lang ang paraang naisip ko para mahimasmasan ako kahit papaano.

I got a piece of facial tissue from Amara earlier before coming inside the bathroom. Iyon ang ipinahid ko sa mukha ko dahil medyo kumalat ang make-up product ko sa kilay nang basain ko ang mukha ko. Napagdesisyunan kong tanggalin nalang ng tuluyan ang kahit anong produkto sa mukha ko. I cant do retouch since I left my bag inside my car.

Sinigurado ko na lang na maayos ang mukha ko kahit papaano kapag bumalik na ako doon sa lamesa. Ilang beses pa akong huminga ng malalim sabay buga bago ko mapansin ang pagpasok ni Amara dito sa banyo.

She peeked around to see if someone else is inside but we are alone, saka na siya lumapit at tumabi sa akin sa harap ng mga lababo.

Pinakatitigan niya ng malalim ang mukha ko sa salamin habang nakakunot naman ang noo ko sa ginagawa niya. "Bakit ganiyan ka makatingin?"

"Wala lang, just making sure you are fine." humarap na siya sa akin. "Malcolm asked me to follow you here. He is worried about you."

"Bakit naman siya mag-aalala? Nag banyo lang ako, wala akong diarrhea." pagbibiro ko kahit na alam ko naman ang ibig niyang sabihin.

"You know what I mean and why your brother is worried. Tell me, are you really fine?"

"Fine with what?"

"Fine with Blaine around? Wala ka man lang bang nararamdamang kakaiba pagkatapos ng ilang taon niyong hindi pagkikita? Your brother was mad seeing him again for the first time and I told him he shouldnt be mad dahil okay ka naman na diba?"

There's no sign og assurance in her voice. Its like she's asking me because she knows me pretty well. Alam ni Amara na hindi talaga ako okay sa nangyayari ngayon.

"I am fine."

Pero, pinili ko paring magsinungaling. Only in lying I could be strong. Convincing myself that I am over him and my wounded days are done. Kahit sa salita man lang ay maging okay ako.

"How fine is that? Base sa reaksyon mo nang dumating siya kanina, you dont look well. Para kang nasa hot seat."

Okay lang naman ako nang dumating siya kanina dahil nga nakausap ko na silang lahat bago paman dumating si Blaine na hanggat maari, iwasan nilang mang-ungkat ng nakaraan.

But when Adam mentioned about my picture inside his Uncle's wallet, I started having this weird feeling. Kung ano man iyon, ayaw kong malaman pa, lets not open that door. Mabuti at nandoon si Blake na mabilis na sumaklolo sa sitwasyon, inaliw niya na lang si Adam nang ayain niya itong tingnan ang malaking aquarium na naka display malapit sa hot kitchen.

Things didn't get awkward after that but I was doing my best not to remind Adam of what he said. Pero hindi ibig sabihin noon ay naging madali sa akin ang lahat, kaya nga ako napadpad dito sa banyo. Hindi para umihi kung hindi para kausapin ang sarili ko ng mas matiwasay.

I sighed in defeat. "Hindi ko alam, Amara. I genuinely dont know what to feel or where to start in the first place. Dapat ko ba siyang batiin for old times sake or should I let him know that I am mad at him?"

"Galit ka nga?"

"Siguro, ewan, hindi, oo? Do I even have the right to get mad at him? Hindi ba dapat ay hindi na ako galit dahil napakatagal na noon? It has been seven freaking years."

"Ayaw mo bang magalit dahil alam mong dapat nang kalimutan lahat  ng iyon o ayaw mong magalit dahil ayaw mong magmukhang hindi pa nakakamove-on?"

"Naka move on na ako!" I answered right away. "I am past the hoping and crying process. Tanggap ko na rin na wala na kami pero mukhang hindi ko pa siya kayang patawarin. Should I even get mad at him?"

One Step Closer (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora