Chapter 14

345 20 10
                                    

Amelia Martini

TAMA silang lahat, late nga ako ng dating. Kumakain na sila ng hapunan nang makatungtong ako sa pamamahay ng mga Javier. Nakangiting sumalubong sa akin si Tita Geneva at si Jasmine.

Natatawa naman sina Dana at Amara habang bibigyan ako ng makahulugang tingin. Hindi ko na lang pinansin, mukhang mabibilang lang ang pagkakataong dumadating ako on-time.

"I am glad you are finally here, iha." masayang bati ni Tita nang lumapit ako para makipag-beso sa kanya.

"Pasensya na po, Tita. Kailangan ko po talagang umuwi para mag-ayos." nahihiyang tumingin ako sa pagkaing nasa mesa. "Andami naman po atang pagkain, may ibang bisita pa po ba?"

"No one is coming, iha. Just us ladies.Mabuti pa at maupo ka muna, sit beside Adam."

"Thanks, Tita."

Pagkalakad ko papunta sa tabi ni Adam, nadaanan ko pa si Jasmine na ngumiti din sa akin ng matamis. Napapahinto talaga ako kapag ngumingiti siya dahil ibang tao ang naaalala ko sa mga ngiti niya. Nevermind, I shouldn't be thinking about someone else.

"Hi, Auntie Amelia! It's nice to finally see you again!"

"Ako din, Adam! Na-miss kita!" yumukod ako para pisilin ang pisngi niya. "Looks like you're loving it here na, ah."

"You are right, Ate. He even promised her Mama that he'll be back for Christmas." sagot ni Jasmine.

Kumuha ako ng kanin habang nakikipag-usap sa kanila. "Talaga? Should I expect you on my Birthday then?"

Sunod sunod siyang tumango habang may laman ang bibig niya. He gulped and smiled brightly at me. "Of course, Auntie. I can finally give you the gift we have at home for you."

"Oh, you have a lot of gifts at home, Adam? Is there something for me there?" tanong ni Dana na tuwang tuwa sa kabibohan ni Adam.

Actually, kapag nagsasalita siya ay napapatigil kaming lahat sa pagkain. Ang cute cute niya kasing magsalita, inosenteng inosente. Namumula pa ang pisngi niya at namimilog ang mga mata. Tila ba lagi siyang excited sa lahat ng mga sasabihin niya. Mukhang nakuka niya ang kakulitan ni Blake at si Jasmine naman ay parang babaeng version ni Blaine. Iyon nga lang, mas magaan ang facial structures ni Jasmine kumpara sa kapatid niya isktrikto ang hitsure.

Wait, why am I thinking of that man again? He even had the guts to point out my habit of arriving late. Hindi man lang siya nagtanong kung nagbago man lang ba ako sa loob ng pitong taon na wala siya. Good thing I was able to backfire at him. Kasing laki ng ngisi ko kanina ang pagbagsak ng mga balikat niya nang marinig niya ang tugon ko sa puna niya.

I realized that acting bitter and distant around him would be easier than to be pretend like everything's okay. I dont want him to think that we are okay because I dont feel that way. Wala siyang kasalanan kung bakit ilang taon akong lumuha sa kanya pero kahit na ganoon, hindi ko parin kayang tratuhin siya bilang kaibigan. He used to be so special and treating him as a friend feels so unusual.

Teka, bakit si Blaine na naman? Inis na hinipan ko ang noo ko nang mapagtanto kong si Blaine na naman ang laman ng isip ko. That man must have cursed me.

"You dont have a gift there, Auntie."

"How about me, Adam?" tanong naman ni Amara. "Meron ba si Auntie?"

Nag-isip si Adam at napatingin sa itaas. Seryoso niyang inalala ang mga bagay bagay habang kami ay manghang mangha sa kakyotan niyang taglay.

Maya maya lang ay umiling siya at nagkibit balikat bago tinusok ang lumpia sa plato. "We dont have gifts with yout names Auntie Dana and Amara."

One Step Closer (COMPLETED)Where stories live. Discover now