Chapter 21

380 25 14
                                    

Amelia Martini

KASING bilis ng oras ang bawat pintig ng aking puso. Hindi ko namalayan kung paano ako nakarating sa huling lugar na maaaring kinaroroonan ni Blaine.Lahat ay lumipas na parang hangin sa isang iglap.

Everything was pure bliss. I remember reading the note over and over again. Inaalala ko kung anong pupwedeng mangyari kung nabasa ko ito ng mas maaga. Ngayon ay alam ko na kung bakit binigay iyon ni Winslet sa araw mismo na pumasa ako sa board exams. I was able to align the dots of what happened that day.

Sinumbat ko pa kay Blaine kung bakit hindi niya ako malapitan sa mga panahong iyon. Buong akala ko ay naging duwag siya pero hindi ko man lang inalam ang buong kwento at kung ano ang naging buhay niya sa Amerika. I was too focused on myself, it was always me. Ako ang nasaktan, ako ang iniwan at ako ang nadudusa. Lingid sa kaalaman ko na mas mabigat pa doon ang pinagdaanan ng taong sinaktan ko. Ng taong walang ibang ginawa kung hindi ay mahalin ako.

It took the both of us to break the relationship. Totoong hindi niya hinangad na hintayin at pigilan ko siya pero sana ay mas may ginawa ako. I could have done something to save us both from seven years of misery.

I was sweating and my feet were cold when the elevator door opened. Ngayon lang ulit ako nakatuntong sa gusaling ito at lahat ay tila ba bumalik sa aking alaala. Noon ay ginusto kong kalimutan ang lahat ng mga bagay na nagpapaalala sa akin kay Blaine pero ngayon, iyon na lang ang pinagkakapitan ko ng pag-asa. Sana ay nandito siya, sana ay hindi pa huli ang lahat.

But it will only be over if I give up as early as today. Walang makakapagsabi kung sa loob ng pintong aking kakatukin ay may Blaine ba talagang naghihintay. Wala mang kasiguraduhan ang kahahantungan ng araw na ito pero sigurado ako na hindi ako susuko. Hindi ngayon, masyadong mataas ang pitong taong pinaniwala ko ang sarili ko na hindi ko siya mahal dahil ang totoo, hindi ko man lang naramdaman na nawala ang pagmamahal ko sa kanya.

It's always here. It was caged with hate but kept alive with hope. And today or maybe tomorrow, it'll finally be free. Ako ang kumulong sa pagmamahal ko sa kanya pero alam kong pagmamahal din ang makakapagpalaya nito. Not just my love for him but the love from the both us.

Malalim ang aking bawat paghinga nang maglakad ako papunta sa harap ng pinto ng unit ni Blaine. Ilang beses kong pabalik balik na sinigurado kung nasa tamang unit ba ito pero ang totoo niyan, may kaunting bahagi pa rin ng aking  isip na nagsasabing, wala siya dito. Prolonging the wait means delaying whatever pain is about to face me.

Bumuntung hininga ako. Prolonging the wait is prolonging the pain. Nang lumapat ang akong kamao sa pinto ay naging singlakas ng aking mga katok ang bawat kabog ng aking dibdib.

I kept rubbing my palms together silently praying to God. Bawat segundong lumilipas ay mas nadadagdagan ang kabang lumukob sa aking dibdib.

Ilang beses pa akong kumatok at pumindot sa doorbell pero walang bumubukas. Naghintay ulit ako ng lima pang minuto habang mataman na nakatingin sa aking relos pero sa bawat minutong lumilipas ay hindi pa rin ako makaalis sa aking kinatatayuan.

After one final unanswered knock, I let out another sigh. Ibinaba ko ang aking kamay kasamay ng aking pagtingala sa kisame upang mapigilan ang mga luhang gustong umagos mula sa aking mga mata.

Nakakainis, bakit ako umiiyak kung ako mismo ang humindi sa kanya? Marahas kong pinahid ang aking mga mata ngunit may biglang nagsalita sa aking likuran.

I was so sure of whose voice that was, I had no time to freeze. I quickly turned around and when I saw the face I have been longing for, the tears I was holding up found a way to roll down my face.

One Step Closer (COMPLETED)Where stories live. Discover now