Chapter 15

310 22 11
                                    

Amelia Martini

Just when I thought life's already a mess, dumating naman ang mas lalong magpapagulo sa isipan ko buong araw. And that would be this man, standing lean in front of me.

Malinaw na malinaw ang pagkakasabi niya na kaming dalawa ang magsasama buong biyahe patungong Alkansas pero nananalangin pa rin ako na sana mali ang naging pandinig ko. I was looking forward for today knowing that I could possibly be away from reality for a while but how is that going to happen?

The idea of me and Blaine on Winslet's bed and breakfast is enough to create chaos inside my mind. Alam ko na ang pwedeng mangyari. Sa loob ng ilang taon, iniwasan ko ang pagpunta doon dahil alam kong hindi magagandang bagay ang maaalala ko. How much more if Blaine himself is with me?

How can I disregard the memories we have together on that place? Hindi ganoon karami ang alaala namin doon dahil kaunting oras lang naman ang ginugol namin doon na magkasama. But the image of Winslet's home would always remind of my dark days, how I curled up with pain lying inside the same room where he promised me that its going to be us the next years.

Paano ko maitatawid ang dalawang araw ng pananatili sa lugar na naging saksi kung paano ako humiling ng paulit ulit sa Diyos at kahit na sa mga bituin, bumalik lang si Blaine. I guess the worst part of everything was hoping for clearly nothing. Ilang gabing ramdam ko na parang pinapatay ako sa pag-iisip kunt minsan  ba ay sumagi ako sa isipan niya.

How can I clear my mind when his presence alone is already messing with my entire system? Hindi ko man siya tingnan pero ramdam ko parin ang parehong epekto ng mga tingin niya sa akin. His eyes would never lie and I hate that.

Nanatili akong nakatayo ilang dipa ang layo mula sa kanya. Not sure if I should give this a shot to actually act mature o di kaya ay magpakatotoo ako at diretsuhin siya na ayaw ko siyang makasama.

"Amelia, we are already running late. Do you want us to stare at each other the whole day?"

Umiwas ako ng tingin sa mukha niya at inis na bumaling sa gilid ko, pagkatapos ay sa cellphone ko. Bakit ba kasi hindi nila ako sinabihan na kasama si Blaine sa lakad ngayon? Sana, noong una palang ay humindi na ako.

Halos mabutas na ang phone screen ko sa pagtipa ng mensahe para kay Dana sa kung bakit nila ako iniwan pero bago ko pa mapindot ang send button, nakawala na ang telepono ko sa sarili kong kamay.

Nag-angat ako ng tingin sa nag-iisamg tao na kasama ko ngayon. "I dont have time for this, just give my phone."

As expected, he didnt listen.  Umakto siya na parang walang naririnig at naglakad pabalik sa kotse niya. Sumandal siya doon at tinuro ang sasakyan niya. "Sakay."

"Ayoko."

"Amelia, I also don't have time for this. If only you arrived on time, we wouldn't be in this situation."

Tumaas ang kilay ko doon. "Sinasabi mo bang napipilitan ka lang? If that's the case, give me back my phone so I could drive myself there alone."

Ngumisi siya sa akin na halatang nang-aasar. He raised his hand holding my phone and slowly placed it inside the back pocket of his pants. "Come and get it yourself."

Nagsimula nang uminit ang ulo ko sa mga pinanggagawa niya sa buhay. Like, gaano ba kahirap ang hayaan akong magmaneho mag-isa? Kung naiipit din siya sa sitwasyon na ito pwede naman niyang sabihin nang makaalis ako ng matiwasay.

Nakipagsukatan ako sa kanya ng tingin. Sinigurado kong masisindak siya sa tingin ko pero wala man lang siyang ka rea-reaksyon. I sighed harshly and started walking towards him.

One Step Closer (COMPLETED)Where stories live. Discover now