Chapter 11

422 25 20
                                    

Amelia Martini

"OKAY!" Dana clapped she tries to clear the heat. Tumayo siya at tiningnan kami isa isa. "Dessert, everyone?"

"I want one!" her fiance cheered.

"Oo nga, gutom pa ako. Ilabas mo na ang dessert!"

And just like that, everyone returned with talking things habang pilit na nilihis ni Dana at Blake ang usapan. I dont want to say a thing and I dont want Blaine to heat me. Basta, ang gusto ko lang gawin ngayon ay maglaho ng parang bula.

Hindi naman ako assuming thinking na ako ang tinutukoy niya. Una, ako ang ex girlfriend niya. Pangalawa, ako ang dinala niyang ex girlfriend doon. Lastly, sinong ex girlfriend pa ba ang iniwan niya kung hindi ako? Its me and I dont know If I should ba happy about what he said.

Hindi nagtagal ay natapos din ang aming kainan. We all have to return with our work. In my case, kailangan ko nang pumunta ulit sa bahay at tumunganga. Amara asked if I want to stay at their place for a while but I refused knowing that my brother would be there. Ayaw kong makarining na naman ng paalala mula sa kanya. Not now, all I want is for everything to get back to normal. No Blaine and no confusions all over my head.

Naunang magpaalam si John Andrew dahil may schedule siyang klase hanggang gabi, sumunod naman si Raf.

Lumapit siya sa akin para magpaalam. "I'll go now, stop by at the office anytime you want."

"Hindi mo ako susungitan?"

"I wont, just inform me if you are coming."

Tumango na ako. "Alright, ingat ka ha?"

Later on, sabay sabay na kaming lumabas dahil nag-aya na ding umuwi si Amara dahil sa inaantok na siya. The same thing with Dana. Hindi na naman nakatakas si Blake sa panunukso ni Kuya dahil nga lumungkot na naman ang hitsura niya dahil sa ibang bahay niya ihahatid ang bestfriend ko.

Sabay kaming lumabas at naunang umalis sina Kuya dahil mas malapit ang pinaradahan nila ng sasakyan. I bid them goodbye and I received a meaningful look from my brother.

Hinintay namin silang makaalis bago kami naglakad naman papunta sa kotse ni Blake.

"Bye Amy, I'll send you the details para sa fitting natin ha?" Dana said while seated on the front seat.

"Sure. Take care and huwag ka masyadong magtrabaho." tiningnan ko naman si Blake sa driver's seat. "Ingat sa pagmamaneho. Huwag kang magmadali, tatlo kayong sakay dito."

"Yes, Ma'am!" sumaludo siya sa 'kin at sumilip sa likod ko. "Mauna na kami, Kuya! Ingat kayo ni Adam!"

"We will. Drive safely, Blake!"

Doon ko lang narealize na kaming tatlo nalang ang naiwan.  Why is destiny so unfair, bakit kailangan katabi pa ng kotse niya ang kotse ko? Sana pala nag excuse ako kanina para maunan akong umalis.

Adam waved goodbye at Dana with me until their car dissapeared. Doon na bumaling ang bata sa akin.

"Auntie, are you going home too?"

"Uhmm, yes." medyo yumuko ako para magkapantay kami. "I'll see you soon, okay?"

"Uncle, Blaine!" tumingkayad siya at hinila ang damit ni Blaine. "Tell Auntie Amelia to come with us!"

Hindi ako nakasagot agad. Tumayo ako ng tuwid at umakto akong naiinitan para matakpan ko ng kamay ko ang aking mukha. In that way, hindi matititigan ng diretso si Blaine.

"Your Auntie might be busy. Let's ask her some other time."

Pumadyak naman si Adam at hindi tinigilan ang Tito niya sa paghila ng damit nito. "But Uncle, I want her to come with us!"

One Step Closer (COMPLETED)Where stories live. Discover now