Chapter 18

368 27 19
                                    

Amelia Martini

MABILIS na lumipas ang mga araw. Hindi ko man lang naramdaman na unti unti na palang papalapit ang araw ng kasal ni Dana at ni Blake dahil sa mga nagdaang araw, tila wala pa rin ako sa sarili. Pilit kong iniintindi ang mga bagay bagay lalo na ang sinabi sa akin ni Winslet pero kahit ang pag-iisip ng tama ay hindi ko magawa.

Gusto kong paniwalaan na mas makakabuti sa akin ang paglayo ni Blaine pero hindi naman ganoon ang nararamdaman ko. My brain would say that its time to finally move on and I'll soon accept the fact that we are over but my heart says otherwise. Mas tumatagal na hindi ko siya nakikita, mas umiigting ang kagustuhan kong bawiin ang sinabi ko sa kanya sa huli naming pag-uusap.

Sinubukan ko namang bumalik sa ordinaryo kong buhay. Nakahanap na ako ng papasukang paaralan sa Amerika para sa aking MBA, I already processed my enrollment papers atsaka para sa scholarship na rin. Mas naging involved ako sa mga wedding planning ni Dana. Araw araw na din simula noong isang linggo ako nagg-gym. Lahat na ata ginawa ko para lang mawala sa isipan ko si Blaine pero sa bawat segundong pinipilit kong alisin siya sa pagkatao ko, mas lalo kong naaalala ang mga lungkot sa mga mata niya mula sa mga salitang binitawan ko.

I realized that even until all these years, hurting Blaine would still be on the bottom of my priority. Kahit na gaanong sakit ang dinanas ko sa mga taong wala siya, hindi ko parin kayang saktan siya pabalik. He's too precious and looking at his eyes, they were telling me that they've had enough pain.

Binuka ko ang bibig ko upang makalanghap ng hangin nang makaramdam ulit ako ng paninikip ng dibdib. Kasalukuyan akong nasa threadmill, nagpapapawis upang mailabas lahat ng hindi magandang saloobin ko pero mas lalo akong nahihirapan.

Ilang minuto lang ang dumaan ay napagdesisyunan kong tumigil na sa kakatakbo. Inalis ko ang earbuds mula sa tenga ko at agad na hinanap ang aking maliit na tuwalya. Gusto kong ipokpok sa ulo ko ang lalagyan ko ng maiinom na tubig dahil baka umayos pa ang pag-iisip ko kung ganoon.

Hindi naman multo si Blaine pero araw araw siyang nagpaparamdam sa akin. Pati sa pagtulog ko, siya ang laman ng isip ko. Oo, nababaliw na ata ako. Mas lumala ang lahat ngayong bumalik na siya.

Naglalakad ako ngayon papunta sa locker at shower room nitong gym nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone. Si Dana na naman ang tumatawag. Hindi ko na muna sinagot dahil alam ko na kung anong pakay niya.

Para akong timang dahil nagpaalam ako kay Kuya na aalis muna ako para makapagisip-isip. Oo, daig ko pa ang brokenhearted pero ito ang isa sa mga paraang naisip ko para kahit papaano ay mas luminaw ang aking mga desisyun. Hindi naman ako pumunta ng malayong lugar, nasa Pilipinas pa rin naman ako. Iyon nga lang, dalawang gabi na akong hindi tumutuloy sa bahay ko.

Tumunog ulit ang telepono ko at hindi ko na iyon pinansin. Hinintay ko munang mawala ng tunog saka iyon nilagay sa Airplane Mode. Ayaw ko muna ng kausap. Walang nakakaalam ng naging pag-uusap namin ni Blaine maliban na lang kay Kuya. Bukod doon, wala na.

Makailang beses ko na ring sinubukang kontakin si Jasmine at si Blake pero dinadaga ako. Ano namang sasabihin ko? Na hinahanap ko si Blaine? Ako nga ang tumaboy sa kanya paalis, bakit ngayon hinahanap ko siya?

"Amelia? Ikaw ba iyan?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.Kilala ko ang boses na iyon at hindi ako pwedeng magkamali. Ang unang pumasok sa isip ko ay ang tumakbo pero para saan pa? Alam ko naman na kitang kita na niya ako.

Humarap ako mula sa direksyon na pinanggalingan ng boses at tama ako, si John Andrew nga.

"H-hi?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Bakit ka nandito?"

"Nag-exercise siguro, diba?" Pilosopo kong sagot.

One Step Closer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon