Chapter 12

327 19 11
                                    

Amelia Martini

I WANTED to smack myself so hard. Alam kong sa simula pa lang, hindi na magandang ideya pa ang sumama sa kahit anong lakad na magpapalapit sa amin ni Blaine pero pumayag parin ako.

Gusto kong isumbat sa kanya na walang saysay ang pagsisisi niya dahil huli na ang lahat. There's no point of telling me his regrets either. I waited for how many years to hear those words from him and the waiting was over. The hope's gone.

If I am being immature with this situation, then so be it. Wala din naman akong planong makipag-plastikan sa kanya. I thought I could be friends with him bit I think I am wrong. What he did scarred me and how I felt earlier awakened the stiches of the wound he left. Is this the official proof that I still havent moved on?If it is, then I hate it.

I wish I could turn back time so I could pick another University to enroll at. Sana ay iniwasan ko na siya sa simula pa lang, sana kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari, nag-ipon sana ako ng lakas ng loob upang ilabas lahat ng hinanakit ko.

I thought I have moved on but it hit me hard that even seven years from before, sunod sunoran parin ako sa kagustuhan niya. Up until now, I still remain a shadow of our past.

"Auntie, are you fighting?" Ang maliit na boses ni Adam ang nagpabalik sa akin sa realidad.

Napagtanto ko na matagal ko na palang hinahawakan ang sarili kong imahe. I stared at it again, hindi ko alam kung ibibigay ko ba sa kaniya ulit iyon o hindi.

"We were just talking, Adam." sumagot na si Blaine nang manatili akong tahimik. "Continue with your food."

"Okay."

I looked at Blaine blankly as I decided to give him back the picture. Akmang bubukas ang bibig niya pero inunahan ko na siyang magsalita. "Don't tell me why you are keeping my photo until now. I dont want to hear it. Ayaw kong makarinig ng kahit anong bagay tungkol sa nakaraan, pakiusap."

Agad na nagbaba ang tingin ko. Hindi ko na hinintay kung ano pa ang sasabihin o magiging ekpresyon ng mukha niya. I hope that my tone's enough to stop him from whatever explanations he is planning to do. Tapos na ako sa bagay na iyan at kahit pa anong rason ang ibigay niya sa akin, wala pari namang magbabago. It wont bring the both of us to the past, it'll still be him, me and seven years later.

I successfully managed to block Blaine out of my view and attention. Si Adam ang hinarap ko buong oras at paminsan minsan ay mga katanungan siya, mabuti nalang at nalibang din ako sa mga pinagsasabi niya at hindi na siya nagtanong pa tungkol sa amin ng Uncle niya.

Halos abutin kami ng isang oras dahil sa dami ng kwento ni Adam which I didnt mind because it really helped me from distracting myself. Sa sobrang pagka-aliw ko sa mga sinasabi niya, nakakalimutan ko na si Blaine sa harap namin. Naalala ko siya kapag bumabaling ang atensyon sa kanya ni Adam pero kahit ganoon, hindi ko parin siya nililingon.

"I am all done!" binaba ni Adam ang hawak hawak niyang paa ng manok at tinaas ang dalawa niyang kamay.

Kinuha ko naman agad ang mga tissue na nasa lamesa at ipinahid iyon sa kamay niya. Adam also told me that his mom packed some wet wipes and alcohol on his backpack. Iyon ang kinuha ko para linisin ang kamay at ang bibig niya.

After tdying him up, we stayed still because he is not yet done with his sundae. Naubos na niya ang fries kakasawsaw niya sa ice cream kaya kaunti nalang din ang Sundae na natitira.

Habang pinagmamasdan ko ang pagkain ni Adam dahil baka madumihan siya uli, biglang may lumapit na lalake sa amin- specifically kay Blaine.

Sumilip siya mula sa likod ni Blaine at nagliwanag ang mukha niya nang lingonin siya ng kasama namin. "Javier!"

One Step Closer (COMPLETED)Where stories live. Discover now