Chapter 1: Enrollment

64 3 0
                                    

Alyssa Ashley Cardona's POV:

College na ba ako? College na? Ay-enrollment palang pala. Hahaha. Pero totoo ngaaa! College na ako? E?

"Ashley! Dito daliii.", tawag sakin ni ate Danica. Oo nga, college na nga ako. I'm Alyssa Ashley Cardona, 18 years old and just a simple lady. "Oh! Dito ka na."

"Hoy! Bawal singit!", reklamo nila sa likuran.

"Bawal daw ate, dun na ako sa likod. Kita nalang tayo mamaya.", paalam ko.

"Jamaica, samahan mo na siya. Text mo nalang ako mamaya kung nasan kayo.", utos niya kay Jam.

"Naku ate! Hindi na. Okay lang ako. Punta na ako. See you later. Ba-bye!", paalam ko sabay takbo.

Danica Jade Dela Cruz's POV:

"Sinamahan mo sana siya.", nanghihinayang na sabi ko kay Jamaica.

"Nahihiya ako ate. Alam mo naman na e."

"Aysus. Hwag kang mahiya sa kaniya. Tsaka ayaw mo ba nun? Para maging close kayo? College na tayo, hanggang ngayon ba naman hindi mo parin siya balak kaibiganin?" Natahimik siya sa tanong ko saka siya ngumiti.

"Okay na sa akin ang ganito ate."

"Haynaku bahala ka garud. Teka. Asan pala si Shai? Diba sabi niya sasabay siya sayo?"

"Oo nga ate. Kaso diko naman na ma-contact."

Shaila Joy Marcos's POV:

Asan kaya si Jamaica? Nakakaasar naman kasi kanina pa ako walang signal! Iss. Ang haba pa mandin ng pila, baka mamaya tapos na siya magpaenroll.

Si Ashley yun a? Tumatakbo siya palapit dito sa pila. Mukhang hindi niya ata ako napansin, "Ayos ka lang?", tanong ko. Tumango lang siya dahil sa hingal. "Anong kukunin mong course?"

"Shai! Ikaw pala yan.", gulat na sabi niya.

"Hahaha. Hindi siguro bhie.", tawa ko. Ang cute-cute talaga nitong si Ashley. Hindi dahil sa height niya a? Kundi dahil sa maganda siya.

"Mag-a-accountant ako. Ikaw ay? Itutuloy mo ba ang HRTM?" Wow. Accountant? Ang layo sa HRTM a? HRTM kasi kami noon e. Sabagay, magaling naman siya sa computers.

"Itutuloy ko nalang bhie, sayang napag-aralan natin. Malay natin, maging sikat na chef pala ako."

"Hahaha. Maganda yan bhie. Sayang nga di ako pasado sa height ng HRTM."

"Ayos lang! Pwede naman na tayong magtrabaho anytime e. Remember, pasado tayo sa tatlong NC II? Sobrang laking tulong na yun." Sumang-ayon naman siya.

Medyo malapit na kami sa katotohanan este sa Registrar. Finally, makukuha na namin ang schedule namin. Buti nalang talaga at may kasama ako. Ay oo pala- "Bhie, nakita mo ba si Jamaica?"

"Ah? Oo. Kanina lang, nandun sila sa harapan kasama si ate Danica. Tapos na sila by now.", sagot niya. Kasama pala niya si ate Danica? Text-an ko nga si ate.

Jamaica Pat Tolentino's POV:

*Beep* Ang lakas ng tunog ng phone ni ate. "Si Shai. Wait daw natin sila sa Admin Area."

Asan na kaya si Ashley? "Eh si Ashley ate? Alam mo number niya diba? Text mo. Punta narin siya sa Admin Area at antayin natin sila ni Shai dun."

"Sabi ko kasi sayo kanina samahan mo siya e."

"Nahihiya nga ako ateee.", ulit ko. Alam na nga ni ate na sobrang nahihiya ako kay Ashley e, pinipilit niya paring paglapitin kami. Nahihiya ako hindi dahil sa may atraso ako sa kaniya. Nahihiya ako kasi crush ko siya. Opo. Crush ko si Ashley. Matagal na-

"Na-text ko na. Tara na garud sa Admin Area.", nagsimula maglakad si ate. Umupo kami sa vacant seat.

"Oh! Nagreply na!" Si Ashley kaya? "Magkasama daw sila ni Shai. Papunta na sila dito." Bigla akong nakaramdam ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan akong ewan. Hindi ko alam. Palaging ganito ang pakiramdam ko sa tuwing palapit siya.

Danica Jade Dela Cruz's POV:

"Andiyan na sila."

"Hello ate!", bati sakin nina Shai at Ashley. Nakangiti lang naman si Jamaica. Naku. For sure kinakabahan na naman 'tong batang toh. Ayun nagkamustahan.

"Hanap na pala tayo ng boarding house Jamaica!", aya ni Shai.

"Magboboarding kayo?", tanong ko. Tumango naman sila ni Jamaica.

"Tara magboarding ate! Mas okay yun. Mas makakapag-focus tayo sa pag-aaral. Ikaw din Ashley."

"Mag-boboarding talaga ako. Kaso wala pa akong nahahanap e."

"Magboboarding ka?", tanong bigla ni Jamaica.

"Oo. Hehe. Tara magboarding.", aya niya.

Oo nga! Sabi pala ni mama, makakapag-boarding lang ako kapag may kakilala siya na makakasama ko. Sakto, close si mama at si Ashley.

Jamaica Pat Tolentino's POV:

"Magboboarding ka?", gulat kong tanong. Magboboarding siya? Talaga? Magboboarding narin talaga ako. Baka kasi mamaya kung anong mangyari sa kaniya, kailangan ko siyang mabantayan.

"Oo. Hehe. Tara magboarding.", aya niya. Nakakatunaw ang mga ngiti niya. Ayun nga, naghanap kami ng boarding house. Sana kahit sa boarding house lang, makasama ko siya, kahit hindi na kami maging close basta makita ko lang siya okay naman na ako dun e. Masaya na ako sa ganun lang.

To be continued...

UntoldWhere stories live. Discover now