Chapter 4: It's Enough

19 2 0
                                    

Jamaica Pat Tolentino's POV:

Pinagmamasdan ko lang si Ashley habang seryoso siyang gumagawa ng mga kung ano man yung mga ginagawa niya. Ang ganda niya talaga. Sobrang patay na patay talaga ako sa kaniya. Ang bait niya, ang talino pa. Lahat na siguro ng pwede kong mahanap sa babaeng mamahalin ko ay nasa kaniya na. Aaminin ko, hindi lang crush ang tingin ko sa kaniya, it's more than that. Mahal ko siya. Alam kong mahal ko na siya. Simula palang nung una.

*PhoneRings* Sino kaya yun? Baka yun na naman yung Kai na lagi niyang tinatag sa mga post niya sa facebook. Hwag mong sagutin Ashley, gawin mo nalang assignments mo. Walang epekto ang pagsabi ko sa isipan ko kasi sinagot niya parin. Lumabas nalang ako at pinuntahan si ate sa kusina habang nagluluto.

"Oh. Bakit ka nandito? Samahan mo si Ashley dun. Mag-usap kayo."

Buti nalang walang ibang tao dito. "May kausap siya ate.", malungkot na sabi ko. Kahit naman walang kausap yun, kapag kami lang naiiwan sa kwarto hindi parin naman kami nag-uusap.

"Ay. Si Kai? Haynaku. Hindi pa naman sila e. Hwag kang malungkot diyan."

"Yun na nga ate. Hindi pa sila pero sobrang sakit na. Pano pa kaya kapag naging sila na? Pano nalang si tol?", tanong ko sabay turo sa puso ko. "Ate. Alam mo bang nagseselos ako sa tuwing nakakausap niya yung Kai niya? Ang sakit ate. Alam ko namang wala akong karapatan pero yun yung nararamdaman ni tol ate.", sabay turo sa puso ko.

"Aysus! Mas pogi ka naman dun e!", sabi ni ate. Ngumiti ako ng peke sa kaniya. Alam naman naming dalawa na babae ako at wala akong laban sa lalake. Lalake yun e, yun ang nababagay kay Ashley. Ayoko na. Tama na toh. Kailangan ko ng magmove-on sa kaniya. Itututok ko nalang siguro ang atensyon ko sa mga kaibigan ko.

Danica Jade Dela Cruz's POV:

Ramdam na ramdam kita Jamaica. Nasasaktan ako ng sobra alam mo ba yun? Kasi hanggang ngayon, siya parin ang gusto mo. Siya parin ang ginugusto mo kahit alam mong may iba naman siyang gusto.

"Ate!", sigaw sakin ni Shai. Kahit kailan talagang 'tong batang toh. Parehong-pareho sila ni Ashley sa kakulitan.

"Oh bakit?"

"Wala. Hahaha. Tapos na akong mag-cr."

"Share mo lang? Hahaha. Baliw.", tanong ni Jamaica.

"Opooo. Hahaha. Bakit pala nandito ka? Walang kasama si bata dun sa kwarto?", tanong niya.

"Samahan mo na muna a Shai."

"Bakit ate? Nag-away ba sila ni Jamaica? Ha? Jamaica?"

"Baliw! Hindi. Ba't naman sana?"

"Aysus. Halatado ka naman e! It's either na-busted ka or na-ignore ka."

"Anong pinagkaiba nun?"

"Masakit tapos mas masakit. Hahaha. Diyan ka na nga. Gagawa narin ako ng assignments ko. Bad ka. Iniiwan mo si bata. Hm."

"Ang kulit.", tawa ko. "Pumasok ka narin dun. Hwag mo ng isipin yung Kai. Basta kung crush mo lang kasi hanggang crush lang. Para hindi masaktan yan.", tukoy ko sa puso niya.

"Mahal ko na nga ate. Mahal ko. Pero yun na nga, tama na toh. Stop na." Sana nga matigil mo na yan para hindi ka na masaktan. Sobrang nasasaktan ako kapag nasasaktan ka Jamaica.

To be continued...

_______________________________________________
Author's Note: Guys! May Facebook na ako😂 Skl. Add friend niyo nalang ako👉Ayemarayter Wanowan👈 If ever di kayo makapag-open ng Wattpad, update ako sa timeline ko😅 Thank you. May two readers na ako✌️ Whoever you are people... Feel free to message me para ma-acknowledge ko kayo😍💗 Lovelots💕

UntoldМесто, где живут истории. Откройте их для себя