Chapter 26: Broken Shai

5 1 0
                                    

Alyssa Ashley Cardona's POV:

"Good morning hon." Halik sa akin ni Jam. "Ang himbing ng tulog mo a?"

"Anong oras na?", agad kong tanong.

"Mag-aalas syete."

"Halla! Late na ako!!!", sigaw ko.

"Relax hon."

"Hon naman, bakit di mo ako ginising kaagad? Late na ako. Magagalit mga professors namin.", napatayo at natatarantang sabi ko. Ngumiti lang siya. "May pangiti-ngiti ka pa diyan?", medyo naiinis na tanong ko.

Lumapit siya sakin saka ako pinaupo sa bed niya. Niyakap niya ako bigla. "Chill ka lang hon."

"Ts. Late na nga-"

"Shh." Ts. Kung di ko lang siguro toh mahal kanina pa ako dumeretso sa labas at naligo. Tiningnan niya ako. "May meeting ang mga professors natin this morning. Hapon pa sila magco-conduct ng class."

"Ah.", napatango kong sabi. Nahiga siya at saka ako hinila. "Hoy!" Ipinahiga niya ako sa braso niya. "Musta ang tulog ng mahal ko?"

Naalala ko tuloy yung kagabi, tiningnan ko siya at nagsabi ng seryoso, "Hindi maganda na maganda."

"Ha?" Tiningnan ko siya ng matalim. "Oh? Bakit?"

"Sino yung Jasmine?!"

"Ha? Sinong Jasmine?", gulat na tanong niya.

"Sino yun? Babae mo? Ex mo?"

"Hon. Wala akong kilalang Jasmine." Tiningnan ko siya ng mas matalim pa. "Hon, maniwala ka sakin."

"Yung totoo?!", medyo malakas na tanong ko.

"Bakit ba hon? Sorry hon, hindi ko talaga kilala.", malungkot na sabi niya.

"Hahaha. Joke lang.", mahinang sabi ko.

"Luh." Ngumiti ako kaya ngumiti narin siya. "Pero, bakit ba? Anong problema hon? Mukhang malungkot ka."

"Nagising ako kagabi.", sagot ko.

"Bakit di mo ako ginising?"

"Ang himbing kaya ng tulog mo." Tulog mantika ka kasi.

"Halla oo nga, sorry hon."

"Ts.", inis na sabi ko.

"Sorry na hon."

"Hindi yun."

"Ha? Ano?"

Tiningnan ko ulit siya ng matalim. "Sure kang hindi ka nagising kagabi?"

"Oo nga."

"Eh? Nagsasalita ka pa kaya."

"Hm? Anong sabi ko? Wala akong kilalang Jasmine.", defend niya.

"Ts. Hindi yun. Basta nagsasalita ka tapos..." Tiningnan ko na naman ng matalim. "Kung anu-anong ginagawa mo sakin."

"Eh?"

"Oo! Hwag na hwag kang tatabi sa iba a?", bwisit na sabi ko.

"Bakit?"

"Bigla ka ngang nanghahalik!"

"Eh?" Ayaw mo pa maniwala? Ts.

"Oo nga! Alala ko talaga gising ka."

"Weh?"

"Totoo nga. Tapos bigla kang nanghahawak."

"Ng?!"

"Kung anong ginagawa mong pang-aasar sakin kapag, yung sa boobs at butt ay?"

"Eh?"

"Oo! Tapos bigla kang manghihila, manghahaplos ka pa tapos bigla kang yayakap!"

"La! Pano nalang kapag tumabi si ate ko?"

"Ts! Kapag nakita ko talaga nakooo!"

"Hindi! Wala nalang ako katabi garud."

Nakakaselos, iniisip ko palang na may makatabi siyang iba. Mas lalo na kapag nangyare pa yung kagabi sa iba! Ts. Subukan lang talaga niyang tumabi sa iba. Hm.

"Hoy! Wala ba kayong pasok? Kain na tayo.", aya ni Shai. Kagagaling niya sa kusina. Natawa naman kami ni Jam. "Bakit? Nababaliw na ata kayo."

"Ikaw ang baliw. Walang pasok ngayong umaga."

"Ano?!", di makapaniwalang tanong niya.

Jamaica Pat Tolentino's POV:

"Tara nga muna sa labas bhie. Gusto kong magpalamig ng ulo.", yaya ni Shai. Kararating namin galing sa school.

"Bakit?"

"Nag-away kami e. Naiinis ako sa kaniya. Ts. Tara na please, pasama na ako saglit lang. Lakad-lakad lang tayo sa labas."

"Antayin natin saglit si Ash."

"Ah. Okay, sige."

Pagkarating ni Ash, naglakad na kami papuntang park. Nagdadrama lang si Shai habang kami naman ni Ash, magkahawak-kamay. "Seryoso! Alam niyo yun? Nakakaselos na kasi yung kaklase niya. Hindi niya pa magawang lubayan. Ts. Ano yun? Bestfriend sila? E kakakilala lang naman niya. Ilang weeks palang tayong nag-aaral as college tapos di na sila mapaghiwalay? Jusko!"

Dinamayan lang namin si Shai, kumain kami sa park at nakinig sa mga drama niya. Tinawagan narin namin si ate sa Video Call. Ngayon, pauwi na kami.

"Ay teka, naiihi ako.", sabi ni Ash.

"Samahan na kita.", suhestiyon ko.

"Hindi na.", sabi niya saka sinenyas si Shai. Umiinom kasi siya dito sa park. Trip niyang uminom e tsaka pinayagan na namin para mawalan konte ng sakit ng loob niya.

"Alam mo ba bhie."

"Hm?"

"Sana talaga hindi ko nalang hinayaang magkabalikan kami e. Ngayon kasi mukhang inuulit na naman niya. Inuulit na naman niya bhie."

"Yung?"

"Feeling ko kasi nafofall na naman siya sa iba bhie. Mamaya iiwan na naman niya ako. Ako na naman kawawa." Nagsimula na naman siyang umiyak. Pinatahan ko naman siya, hug as a friend. Mahirap na kung kami naman ni Ash ang magka-problema.

Alyssa Ashley Cardona's POV:

Kawawa naman si Shai. Napapadalas na yung pag-aaway nila ng boyfriend niya. Sana hindi kami mag-away ni Jam. Tampuhan lang sana, walang malalang away.

Palabas na ako ng CR nang biglang may humila sa braso ko at isinandal ako sa pader. Tinakpan niya ang bunganga ko. "Shhh. It's me."

To be continued...

UntoldWhere stories live. Discover now