Chapter 10: Sick

15 2 0
                                    

Jamaica Pat Tolentino's POV:

Nakatingin lang ako kay Ash. Nag-aalala ako kasi baka magkasakit siya. Mahina kasi siya sa ulan e. Kahit nga ambon lang, madali siyang sipunin.

"Magbihis ka na dun Ash. Baka sipunin ka.", utos ni ate Danica.

"Oo nga Ash. Madali ka pa mandin magkasakit.", pag-aalala ni Shai.

*cough* Nako! "Halla ka! Inuubo ka na!" Nagpunta naman siya sa banyo at nagbihis. Kumain na kami ng gabihan, inuubo parin si Ash.

"Ate, matutulog na ako a? Sumakit ulo ko."

"Halla ka Shai! Ikaw din may sakit. Sige na itulog mo na. Ikaw din Ash.", utos ni ate.

Nahiga naman si Shai. Nakatulog din siya kaagad. Si Ash naman lumabas saglit kasi kausap niya si Kai. Hayy. Buti pa si Kai nakakausap niya lagi kahot na magkalayo sila. E ako? Magka-boarding na ngalang kami hindi pa kami masyadong nag-uusap.

"Jam. Una na ako tulog ha? Antayin mo si Ash bago ka matulog. Inaantok na kasi ako." Si ate talaga mabilis antukin. Nahiga narin ako at inaantay si Ash. Mag-na-nine na hindi pa siya bumabalik. "Jam. Wala pa ba si Ash?", naalimpungatan si ate.

"Wala pa ate. Teka check ko lang." Lumabas na ako. Nakita ko si Ash na nakahiga sa upuan sa kusina. "Ash." Niyugyog ko siya. "Ash! Ang init mo!!!"

*cough* Binuhat ko siya. Sa bed ko na muna siya pinahiga. "Bakit? Anong nangyare?", nagising si ate.

"Nilalagnat siya ate. May gamot ka ba diyan?"

"Halla wala. Si Shai meron ata." Napatingin kami kay Shai. Tulog na siya habang yakap yung teddy bear niyang human size. Masama din pakiramdam niya, ayoko siyang maistorbo sa tulog.

"Bibili nalang ako sa labas ate."

"Hoy hindi! Gabi na!"

Hinandaan ko nalang siya ng bimbo na basa at inilagay sa noo niya. Ash be well. "Ate, okay lang kaya na dun muna ako sa bed niya matulog?"

"Hoy! Bantayan mo siya. Tumabi ka na sa kaniya. Diyan na kayo matulog." Napalaki ang mata ko. "Make sure na okay lang siya ha? Inaantok na ako. Goodnight."

"A-ate..." Natulog na siya. Nahihiya akong tumabi kay Ash. Tumayo ako at sinubukang gisingin si ate.

"Samahan mo na siya Jam. Inaantok na ako. Tulog naaaa...", antok na antok na sabi ni ate. Kahit kailan talaga, antukin si ate! Haysh. Tiningnan ko si Ash. Ang ganda niya kahit na may sakit siya. Kahit mga labi niya, magaganda parin kahit na namumutla. Hoy Jam!!! Yang utak mo. Nako. Hindi toh maganda. Umakyat ako sa bed ni Ash at nahiga. Tama dito na ako matutulog.

*cough* Lumala yung ubo ni Ash. Bumaba ako at kinumutan siya. (Ash in bed of Jam, refer to the media above.) "Okay ka lang Ash?", tanong ko. Nagbabakasakaling sasagot siya para maiwasan kong mag-alala pero hindi e. Hinawakan ko ulit noo niya, ang init niya parin. Malamig na rin yung bimbo na nilagay ko kaya inalis ko na. *cough* Napansin kong nanginginig siya. Nakoooo! Kailangan ko bang tumabi? Binalot ko siya ng kumot pero hindi tumitigil panginginig niya. Jam. Tabihan mo na. Tabihan lang naman.

Nahiga ako sa tabi niya. Ano bang gagawin ko? Nanginginig parin siya. Niyakap ko siya pero nanginginig parin siya. Sige na Jam. Okay lang naman siguro. Nakikumot na ako saka ko siya niyakap. Sumiksik naman siya sa dibdib ko. Begging for more ba? Oh noh! Jam magpigil ka. Napatingin ako sa mukha niya, down to her lips. I want to kiss her. No Jam! Magpigil ka. Niyakap ko nalang siya at ipinatong ang baba ko sa ulo niya. This feels good, I'm hugging Ash. I'm hugging my long time crush.

*cough* "Ash? Okay ka lang ba?" Tiningnan ko siya, iniangat naman niya bigla yung ulo niya. "Anong masa-" Oh my God! Is this for real? Sa pag-angat ng ulo niya nahalikan niya ako. Nawala sa isip ko na magkalapit lang pala mukha namin and when he lifted her head, we just kissed! Inalis niya naman at tumalikod sakin. Nakatulala lang ako. Tulog si Ash, tulog siya! *cough* Or maybe not?

To be continued...

UntoldWhere stories live. Discover now