Chapter 18: Getting Closer

7 1 0
                                    

Alyssa Ashley Cardona's POV:

Weekend na naman pala. Ayoko pang umuwi. "Uwi na tayo?", aya ni Shai. Walang sumasagot sa amin ni Jam. Busy kasi siya sa pagkalikot sa selpon niya. Ewan ko kung anong ginagawa, ako naman nakahiga lang dito sa bed ko. Napagod akong maglaba e.

"Ate!!!! Di nila ako pinapansin.", sumbong niya pagkarating ni ate.

"Hahaha. Bakit di niyo pinapansin si Shai?"

"Ay hindi ko narinig ate.", Jam.

"Wala! Isnabero ka! Isnabera pala!"

"Nako! Hindi pa ba kayo uuwi?", tanong ni ate. Mukhang waang balak umuwi si ate a? Ayoko din e. Hwag kang umuwi ate. Hwag.

"Bakit ikaw ate?"

"Ahm. Ayokong umuwi e."

Umuwi mag-isa si Shai. Si ate, iniiwasan daw niya family niya. Nag-open narin siya sa amin ni Jam. Pinipilit na daw talaga siyang papuntahin sa Singapore. Etong si Jam naman, wala din daw balak umuwi kasi magulo daw sa bahay nila.

Danica Jade Dela Cruz's POV:

Nagtext yung ate ko, kinukulit na naman ako. Ilang beses ko ng isabi na ayoko pero eto na naman siya. Si mama naman, malapit narin akong kulitin. Sana hwag naman kasi for sure hindi na ako makakatanggi.

"Tara sa park.", aya ko.

"Tara!", sabi naman ni Jam.

"Baby?"

"Ay, sige ate tara."

Dito na kami sa park. Naglalakad lang kahit medyo maggagabi na. Kumain kami ng mga street foods at naupo dito sa bench.

"Alam niyo guys, feeling ko hindi nila ako mahal."

"Hwag kang ganyan ate. Mahal ka nila.", sabi naman ni Ash.

"Oo nga ate.", Jam. Teka nga, magkatabi sila ngayon habang kumakain sa iisang container ng barbeque.

"Close na kayo?", takang tanong ko. Nagulat naman silang pareho. Hm. Parang may something sa dalawang toh a? "Hahaha. Maganda yan para walang ilangan sa atin."

"Hahaha. Oo ate.", Ash.

Alyssa Ashley Cardona's POV:

"Naiihi ako.", bulong ko kay Jam. Hwag kayong green minded a? Nagpapasama lang ako.

"Teka.", bulong niya sakin. "Ate, ihi lang kami.", paalam niya.

"Sige, hintayin ko nalang kayo dito."

Nako! Baka magtaka si ate. "Ihi ka narin ate, lika na."

"Hindi na, sa boarding nalang mamaya. Ingat kayo."

Ayun nang makalakad kami palayo kay ate, hinawakan bigla ni Jam yung kamay ko. Nagulat ako syempre pero hinayaan ko lang siya. Pagkarating namin sa cr, umihi ako kaagad.

"Iihi ka din-", naputol ang pagtatanong ko nung bigla niya akong kiniss sa noo pagbukas ko ng pinto. Kinikilig ako syempre.

"Wait mo ako.", sabi niya saka pumasok sa loob.

Jamaica Pat Tolentino's POV:

Nakarating na kami ng boarding, nahiga lang si ate. Mukhang malungkot siya kaya kinausap namin siya ni Ash. "Okay lang yan ate. Kaya mo yan!", pagpapagaan ni Ash kay ate. Umiiyak na kasi e.

Lumabas na muna ako at nagluto. "Oh. Musta si ate?"

"Okay naman. Natulog na."

"Halla! Di pa siya kumain."

"Hayaan na muna natin. Tsaka kumain naman tayo ng maraming pagkain sa park kanina.", sabi niya sabay upo sa harapan ko.

Bigla akong nakaramdam ng hiya. "Ano ka ba, ituloy mo lang yan." Nahalata na ata niya na kinakabahan ako. "Go Jam, sarapan mo." Jam! Yang utak mo, paki ayos.

Successful naman ang pagluto ko, kumain kami sa loob ng kwarto habang mahimbing na natutulog si ate. Nagtatawanan kami ni Ash habang kumakain. Balak ko pa nga sanang ikiss kaso hwag na baka maging awkward pa. "Ikaw ay? Ano namang dahilan bakit ka tumakbo nung grade 11 tayo? Runaway bride nga tawag sayo nun e."

"Ay! Hahaha. Yun ba? Naiihi na kasi talaga ako nun, tapos e syempre ako na pala yung sasayaw. Mamaya maihi ako e.", dipensa niya.

"Eh? Akala nila kasi ayaw mong sumayaw. E bakit di ka bumalik?" May contest kasi noon, kasali siya e bigla siyang tumakbo nung siya na yung sasayaw. Tapos hindi naman na siya bumalik.

"Sikret lang natin a?"

"Oo."

"Disqualified ako bigla, di na nila inannounce for compensation sakin."

"Ha? Bakit?"

"Ako kasi champion nung grade 10. E bawal daw kasi hindi daw fair."

"Dancer ka na pala dati pa?", nabibilib na tanong ko. Naiimagine ko tuloy siya sumayaw, hindi ko pa kasi nakita e. Yung matinong sayaw sana hindi yung lasing siya. Hahaha. Ang astig niya siguro.

"Dancer kuno. Hahaha. Kulit kasi nung adviser natin e, sabi kong ayoko e. Namilit pa."

"Sayaw ka nga."

"Heh. Hahaha. Ayoko na, dati lang yun. Once upon a time.", tawa niya.

"Sige na a.", nilapitan ko siya. "Sayawan mo na ako.", bulong ko sa kaniya.

"Hoy kumakain tayo. Ang baboy mo.", tawa niya.

"Hahaha. Ay, green minded ka.", tawa ko.

Magkatabi kaming natulog ngayong gabi. Ewan ko ba, okay lang naman sa kaniya. Walang nangyare samin, mababait kami. Hahaha. Hanggang kiss lang at hug. Nagiging favorite ko na nga yung paghiga niya sa braso ko e. Sana nga Ash, manatili tayong ganito hanggang dulo. I want to know you more. I want us to be in the next stage.

To be continued...

UntoldHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin