Chapter 6: New Girl

19 2 0
                                    

Danica Jade Dela Cruz's POV:

"Nako! Asan na kaya si Jam? Mamaya gabihin na naman ng sobra yung batang yun!" Sumang-ayon naman sina Shai at Ash. Mga 7 na siguro ng gabi. Wala parin si Jam.

"Wala ka bang load ate?" Tanong ni Shai, umiling naman ako. "Ikaw Ash?" Walang may load samin! Ang pasaway naman ng batang-

"Hello po." Bati ng babaeng kasama ni Jam.

Napatingin kami kaagad sa kanila. "Ate, kaklase ko po. Si Crystal." Walang umiimik sa amin. Malamang ay nagtataka rin siguro sina Shai at Ash kung anong ginagawa nitong Crystal ata dito. "Dito po muna siya matutulog-"

"Jam nahihilo akooooo...", sabi ni Crystal at napaupo sa bed ni Jam.

Ano daw? Dito matutulog? Napatingin naman ako sa dalawang kasama ko. Nagulat lang din sila. May kakaiba kay Crystal...or sa tingin ko sa kanilang dalawa pala ni Jam.

Magkatabi kami ngayon ni Shai sa bed niya habang nakatingin lang kay Jam. Si Ash naman, nasa bed ko, nagseselpon lang. Walang pakealam sa mundo. Siguro katext niya na naman si Kai.

"Ate! Kumain na kami kanina. Kayo ay? Hehehe. Sensya na ate a? Nagabihan na naman ako. Ikaw ay Shai? Sensya na ha? Ash... Sensya rin nagabihan ako..." Di naman siya pinansin ni Ash. Ang daldal ni Jam ngayon. Hindi kaya... Nagkatinginan kami ni Shai. Sa tingin ko pareho kami nang nasa isip.

"Kain na tayo.", aya ni Ash.

Alyssa Ashley Cardona's POV:

"Ash... Sensya rin nagabihan ako..." Hindi ja ako nag-abalang lingunin pa siya. Ngayon palang naiimagine ko na kung anong itsura ng mukha niya base sa boses niya. Hayst. San kaya galing toh? At mukhang nakainom pa silang dalawa ng kasama niya. Ts.

*stomachache* Ay oo. Di pa pala kami kumain. Nagugutom na ako. "Kain na tayo.", aya ko sa kanila.

"Tara na kain. Buti nag-aya ka na Ash. Kanina pa ako nagugutom. Hahaha. Tara na eat.", masiglang sabi ni Shai.

"Para ka namang nagutumang palaka. Hahahaha.", tawa ni Jam. Lasing talaga toh, halata e. Iba kilos niya ngayon.

"Jam, kain na tayo.", aya ni ate Danica.

"Nako ate. Sinabi ko na kanina diba? Kumain na kami ni Crystal sa labas." Ts. Cystal-crystal. Ts. Bumaba na ako ng bed ni ate nang biglang...

"Oops! Okay ka lang?"

Shaila Joy Marcos's POV:

Nagulat kami ni ate nung biglang muntikan ng malaglag si Ash sa bed. Buti nalang nasalo siya ni Jam. Yieee. May eyes is forming hearts by now. [Jam's heart looks like the media above.]

"Oops! Okay ka lang?", tanong ni Jam. Nausawan bigla itong babaeng toh. Haynaku.

"Okay lang ako, salamat." Ilang na iwas ni Ash kay Jam sabay upo sa tabi ko. Inabutan naman kami ni ate Danica ng mga pagkain namin. Opo dito kami sa loob ng kwarto kumakain. Mas prefer naming kumain dito sa loob ng kwarto. Maluwang naman tsaka hindi namin close yung mga iba naming ka-boardmates.

Kumakain na kami. Diko parin maiwasang isipin... Ano naman kayang naisipan nitong si Jam at uminom siya? At may kasama pa siyang Cystal? Ts. Ts. Nakatingin lang ako kay Jam na busy sa pag-ayos ng gamit niya para bukas. May klase kasi siya kinabukasan pero nagawa niyang uminom noh? Napakagaling na bata. Hahaha. Sabagay, mabilis lang naman siyang mausawan. Kay Ash pa ngalang, gising na siya kaagad e. Nakahiga lang naman si Crystal, mukhang naramihan niya ang inom. Nako. Lagot kami sa landlady nito.

Jamaica Pat Tolentino's POV:

"Matutulog na kami ate ha?"

"Tabi kayo matulog?", tanong ni Shai.

"Oo.", sagot ko.

" Baliw ka! Hindi pwede!!!", sigaw ni Shai. Anong problema neto?

" Ang ingay! May natutulog.", bwisit na sigaw sa kabilang kwarto.

"Sa bed ko nalang ikaw matulog Jam. Tatabi nalang ako kay Ash.", sabi naman ni ate.

"Dito nalang ako ate, okay lang naman."

"Hindi pwede uy. Pareho kayong lasing.", sabi ni Shai. Nako! Sabi ko na nga ba at madumi ang pag-uutak nitong batang toh.

"Hindi naman ako ganun. Tsaka pareho kaming babae noh.", dipensa ko. Napatingin naman ako kay Crystal. Maganda siya, skinny... Pero hindi ko naman siya pinag-isipan ng hindi kaaya-aya noh.

"E talaga? Hindi mo alam, mamaya iba magawa mo.", sumbat pa ni Shai. Di na ako sumagot. Itong Shai talaga na toh, minsan diko na maintindihan pag-iisip.

"Sige na Jam, dun ka na sa taas matulog." Umakyat na ako. Napatingin naman ako sa bed ni Ash. Bakit wala siya? Aakyat narin sana si ate para matulog katabi ni Ash, "Asan yung baby ko?"

"Lumabas kanina ate. Umihi ata." Kanina pa yun a?

Lalabs na sana si ate nang biglang dumating si Ash. "Oh andito ka na pala. Ang tagal mo naman sa cr. Tara na matulog.", aya ni ate saka naunang umakyat. Umakyat nang namumutla si Ash. Okay lang kaya siya?

[Ako] [Ate and Ash]
-------- ---------- [table and others]
[Crystal] [Shai]

Tumalikod na ako sa gawi nila at pumikit. "Ano?! Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Napalingon ako agad kina ate.

To be continued...

UntoldWhere stories live. Discover now