Chapter 14: The Beginning

12 1 0
                                    

Danica Jade Dela Cruz's POV:

"Hello tita. Happy Birthday po!", bati namin ni Ash kay tita na busy magluto. Sabay mano narin syempre.

"Ay hello! Pasesnya na nagluluto palang ako ha? Upo nalang muna kayo dun."

"Ay hindi tita, okay lang po. Tulungan na po kita tita.", suhestiyon ko. "Ash, upo ka nalang muna dun." Ngumiti naman siya saka naupo sa gilid facing Jam's sister.

"Yun yung Ash?"

"Opo tita." First meeting ni tita at ni Ash ngayon. Well, ako? Na-meet ko na si tita sa Graduation namin nung High School. Close na kasinkami ni Jam noon.

"Kaya naman pala na-fall anak ko e."

"Ahaha. Oo nga tita, ang tagal na niyang gusto si Ash pero hanggang ngayon hindi parin sila close."

"Nako. Yung anak ko talaga. Alam mo bang whole family namin alam na may gusto siya kay Ash?"

"Talaga tita?", gulat na tanong ko.

"Oo. Panong hindi naman kasi, nagcollage siya ng pictures ni Ash at dinikit sa wardrobe niya. As in punong-puno."

"Ahahaha. Grabe pala magkagusto si Jam tita."

"Hindi lang yun-"

"Ahm excuse po." Sabay kaming napatingin ni tita kay Ash.

"Asan po yung bathroom?"

"Ay. Teka. Jam!!! Hoy Jam!", sigaw ni tita.

"Wala siya ma.", sagot nung kapatid ni Jam.

"Tawagin mo!"

Alyssa Ashley Cardona's POV:

"Bilisan mo.", sigaw ni tita. Agad namang dumating si Jam. La. Bakit kailangang si Jam pa?

"Bakit ma?"

"Samahan mo sa banyo si Ash.", napatingin siya sakin. Wrong choose of words ata si tita. "I mean, ituro mo." Parang may hindi normal dito. I was feeling awkward.

Sinamahan naman ako si Jam. Hindi naman kalayuan yung banyo pero... "S-sa banyo...", nahihiyang sabi ko. Papasok kasi kami sa isang kwarto e.

"A-ah. Sa l-loob yung b-banyo.", namumutlang sagot niya.

"Ah. Sorry. Haha."

"Sige pasok ka na. Sa bandang kanan yung banyo."

Nagpunta naman ako kaagad. Oo nga pala, since mag-isa lang ng mama niya dito... Sa loob nga talaga yung banyo. Napatingin ako sa salamin, Ashley! What are you thinking?

Napalip-bite ako nang maalala ko yung nangyare samin ni Jam. Why do I feel this way? Biglang may gumapang sa paa ko. "Ahrgh!"

"Ash, okay ka lang?", she barged in.

"Ahrghhhh. Huhuhu.", naiiyak na sabi ko at napayakap sa kaniya sa pagbukas niya ng pinto.

"Okay lang. Ipis lang yun.", pagpapatahan niya. Nakapikit parin ako at ang higpit ng yakap ko. Takot kasi talaga ako sa ipis. Ewan ko ba, ang liit lang naman nila pero para kasing halimaw ganun. Someone will understand me kapag takot din sa ipis. "Ahm."

"Ay, sorry.", bitaw ko. Namumula siya. Sa tingin ko ako rin. "Gamit ka din ba? Una na ako.", paalam ko.

Jamaica Pat Tolentino's POV:

Jamaica, okay ka lang. Hwag kang kiligin. Napatingin ako sa ipis na nasa pader at napangiti. Buti nalang meron ka ipis.

After namin kumain, nag-urong muna ako saka ko sila inasikaso. Si mama naman, nagpunta saglit sa pinsan niya. Siguro nakikipag-inuman yun. "Kaya mo pa baby?" Napatingin ako kina ate! Umiinom sila!!! Nako si ate Gayle talaga, pinabayaan niyang uminom itong dalawa! "Inaantok ka na?"

"Ahm. Hindi pa ate. Hahahaha." Eto na naman si Ash, tawa ng tawa! Lasing narin. Nilapitan ko na sila. Pipigilan ko na sana nang biglang dumating si mama.

"Mga anak, magsitulog na kayo. Dun na kayo sa bed ko a? Malaki naman yun. Kaso pang dalawa lang yun e. Okay lang ba kung...", lasing na si mama. "Tama! Anak ko, halika dito.", hinila niya si ate!

"Ma, si ate-"

"Ate? Ate sino? Wala akong ate noh! Mga kuya lang meron." Nako! Hindi toh maganda. "Lika na anak. Dun tayo matulog sa bahay ng pinsan ko." Oh noh! "Lika na." Pinipigilan ko pero ayaw papigil. Iba kasi kapag lasing si mama e.

"Sige tara na mommy!", biglang sabi ni ate! Oh no! Asan na ba kasi si ate Gayle? Ts. "Hoy ma! Anong ginagawa mo?"

"Oh! Andiyan ka pala Gayle! Lika na, tulog na tayo.", hinila niya din si ate Gayle. Ilang minuto kaming ganito. Pati si ate Gayle walang magawa. Si ate naman kusang sumasama.

"Sige na, goodbye guys. Tinatawag ako ni mommy ko. Goodnight.", paalam ni ate Danica.

Umalis na sila. "Hahahaha! Nandito pala mommy ni ate e. Laka! Nagmano dapat tayo.", away niya sakin. Jamaica! Umayos ka ha? "Oy! Oy! Tara narin sleep! Bilis!", hila niya sakin.

To be continued...

UntoldWhere stories live. Discover now