Chapter 8: New Boy

13 2 0
                                    

Alyssa Ashley Cardona's POV:

"Bhie, tara na!"

"Wait lang."

"Bilisan mo, antagal mo. May date pa ako. Palli!" Ts. Ang atat naman nitong si Shai. Naloloka na nga ako, ayaw lumabas nung sama ng tiyan ko.

"Nako. Nag-e-LBM ka naman na ata!"

"Sino yun? Ash?" Boses ni Jam yun a? Nakakahiya.

"Kanuna pa sa CR yun late na ako." Haynaku itong si Shai talaga. Lumabas na ako. "Yey! Tapos ka na. Tara na.", hila niya sakin. Ngumiti naman ako kay Jam. Nakakahiya talaga itong si Shai. Nako.

"Bilis-bilis. Tara na."

"Alis na kayo?"

"Oo ate. May lakad din po kasi itong si Shai e."

"Haynaku ate. Kanina pa sana kami nakaalis. Ang tagal niya."

"Hahaha. Sige na, ingat kayo ha? Magpapahinga na muna ako. Sabay nalang kami ni Jam umuwi."

"Yes ate! Byers.", paalam ni Shai. Sakto dumating naman si Jam. "Alis na kami Jamjam! Makikipag-date ako, ikaw walang jowa." Ay bad.

"Heh!", tanging sabi niya saka nag-ayos ng gamit.

Danica Jade Dela Cruz's POV:

"Ate, gising na ate. Uwi na tayo." Ang sakit ng katawan ko. Huhu. "Okay ka lang ate?"

"Haha. Oo, medyo masakit lang balakang ko. Nakakaasar kasi mga kaklase ko, hirap turuan ng sayaw."

"Nako. Inom ka na ng gamot ate."

"Okay lang ako. Teka lang, mag bihis lang ako ha?" Lumabas naman siya. Hayst. Weekend na pala. Ang bilis naman. Kung pwede lang talaga, ayoko na muna sanang umuwi sa bahay ngayon. For sure babanggitin na naman nila ang pagpunta ko sa Singapore. Hindi ko alam kung paano ako tatanggi kina mama. Kapag sila na kasi ang nakikipag-usap sa akin, para akong batang tatango lang sa lahat ng gusto nila.

"Ate matagal ka pa?"

"Ay teka."

Shaila Joy Marcos's POV:

"Bhie, okay lang ba itsura ko?"

"Hahaha. Oo bhie."

"Sure?" Ngumiti naman siya. May date kasi kami nung boyfriend ko e. Sa dalawang taon na naming magkasintahan, palagi parin akong excited na makita siya.

Napansin kong may tumitingin sa amin. Hinahanap ko pero wala naman akong mahanap. "Bakit bhie?"

"Ah? Wala-wala."

"Excuse me." Napalingon kami sa lalake sa likuran namin. Ang pogi niya. Oh no Shai! May boyfriend ka. "May I ask for your number?" Ha? Number ko? Oh no! Hindi, hindi pwede. May boy-

"Ay sorry.", sagot ni Ash. Ay? So hindi pala ako?

"Bakit? Just your number lang naman. Please.", pa-cute nung guy.

"Ayaw nga niya diba? Hwag pilitin.", singit ko.

"Ahahaha. Okay." Ts. "I'm sorry.", sabi niya kay Ash.

Jamaica Pat Tolentino's POV:

*phonerings* [Hello Jam!] Ang sakit naman sa tenga.

"Bakit?"

[He's back!] Sino? [Nandito na si Bam! Nakabalik na siya.]

"E talaga?" Di makapaniwalang sagot ko. Bestfriend namin ni Ryza yun since birth. "Kailan pa?"

[Wait. Wait.] Kinonference niya yung tawag. [Hello Bam! Welcome home!]

"Hello Bam!"

[Hey buddies. Wanna party?] Di parin nagbabago itong lalakeng toh. Ganun parin.

"Call/Call", sabay naming sagot ni Ryza.

[Hey wait...] Namatay bigla tawag ni Bam.

"Bakit yun?"

[Ewan ko ba. May nakita na naman sigurong chicks. Hahaha. Anyway, let's party tomorrow night ha? At my place nalang. I'll text him the info. Bye Jam.] *callended*

Bambam Skye Smith POV:

"Hey wait..." Ahrgh. Di nila ako pinansin. Dere-deretso lang sila sa pagbaba. I looked at the window as the bus start to go. She's so pretty. I think I'm in love again. Oh come on Bambam! You're always in love. Maybe, it's not what I really feel. Nagagandahan ko lang siguro. But still... She's so cute and sexy. "Oh yeh! The call." Ow. Namatay na pala tawag. Napindot ko siguro.

*beep" [Tomorrow night at my place. Bring yourselves. Take care.] I just smiled. I'm so excited to meet my girlfriends.

To be continued...

UntoldWhere stories live. Discover now